Binatilyo Biktima ng Bagong Modus, Isang Matandang mukhang Kawawa ang Nangbibiktima!

Naging maparaan na rin sa ngayon ang mga tao na gumawa ng hindi mabuti para lamang na magka pera, may mga pa iba-ibang estilo at pamamaraan para makuha ang loob ng kanilang bibikt1mahin.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Kaya naging trending sa social media ang isang ibinahaging post ng binatang si Darren M. Esliza II, ayon sa kanya may naganap na hindi maganda sa kanya noong Oktubre 18, 2020.

Sa kanyang pagbabahagi sa FB account, inilahad nya kung paano siya na scam ng isang matandang lalaki na kung titingnan mo ay parang kaawa-awa na pa ika-ika sa paglakad at hindi kaya makapanloko ng kapwa.

ITO ANG BUONG PAHAYAG NI DARREN:

“Ito po kasi nangyari nasa monumento napo ako kanina, then habang naglalakad ako may kumausap saking matandang lalaki, sabi niya may alam ba ako na may makukuhaan ng driver po para ma deliver daw yung mga isda nila sa batangas.

Then sabi ko “diko po alam eh sa iba na lng po kayo mag tanong” then sabi niya tulungan mo na lng ako magtanong tapos may tinuro siya na lalaki sabi niya tanong mo kaya sa lalaki na yun.

Then ako naman nagtanong “kuya patulong daw “ayun nga sabi niya may kilala raw siya dun sa bandang area ko namakakatulong ayun na nga po naglalakad na kaming tatlo dun papuntang edsa, tapos po inaalok kami ng matanda ng pera pang meryenda daw sabi ko ” Wag napo oks napo yung natulungan namin kayo ” ayun nakapag usap na nga yung lalaki na may alam saan makakuha ng driver.

Tinanong ko din sa matanda bakit ika ika siya maglakad sabi niya is nasagasaan daw yung sinasakyan nila kanina kaya naipit daw yung paa niya.

Ayun na nga po. Naglalakad na kami ulit nagsabi sakin ung matanda na itabi ko daw yung pera niya na 17k nasa medyas nakalagay nakita ko rin yon, tapos tinali niya pinalagay niya sa bag ko then.

Nagsabi siya saming dalawa yung tumulong sa kanya na nagtitiwala ako sainyo pwde bang baka iwan niyo kasi ako.”

Tapos binigay ng lalaki yung phone niya at wallet niya sa matanda para pagkatiwalaan siya at ako naman kinulit din kaya nabigay ko yung cp ko.

Ayun po tapos sinabihan ako ng lalaki na hintayin ko sila sa kabilang tawid sa jollibee habang tumatawid ako sa tulay nakita ko silang dalawa na sumakay ng Taxi then kinabahan na ako sabi ko sa sarili ko “Na scam ako” then na curios ako sa pinatabing pera sakin ng matanda para alam ko kung babalik sila ayun pagkabuksan ko 100 lng tapos puro papel na.

Sinabi din pala mga name nila ung matanda ‘ Michael ang pangalan tapos ung kasabwat niya Joseph”.

Baka po may ma engkwentro kayong mga ganitong eksena, hindi naman lahat manloloko, pero mag-ingat na lamang po at wag magtitiwala sa hindi kakilala.

Loading...