Among Arabo Trending Dahil Kasabay Kumakain ang mga Kasambahay na OFW

Naging viral kamakailan ang video ng isang mabait na Arabong employer kung saan makikita na siya at kasama ang kanyang mga OFW na kasambahay ay kumakain ng sabay-sabay sa iisang mesa.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Baligtad sa kung ano man ang ating nababalitaan na masasamang ugali patungkol sa kanila, na kadalasan ay minamaltrato ang kanilang mga kasambahay pero itong Among Arabo ay tinuturing pa na miyembro na ng pamilya ang mga kasama sa bahay.

Itinuturing nga nating mga bayani ang ating mga kababayang OFW dahil sa hindi basta-bastang trabaho at sakripisyo na kanilang ginagawa sa ibang bansa, napakahirap, lalo na kapag nangungulila ka sa iyong mga naiwang pamilya.

Maliban sa kanilang kinakaharap na stressed at pangungulila, napaka delikado rin ng kanilang sitwasyon dahil baka maltratuhin sila at hindi mabuti ang pakikitungo ng iilan sa kanilang employer.

Pero kahit nga ganun ang nababalitaan nating hindi magandang pag-uugali ng mga among arabo, hindi naman patas na silang lahat ay husgahan natin at sisihin dahil katulad nating mga pinoy, kahit nga kapwa natin ay ginagawan pa natin ng masama.

Kaya isang ebidensya ang videong ito na nag trending na hindi lahat ng among arabo ay masama ang pag-uugali, ito ay ibinahagi ng Facebook Page na I love Natividad, makikita na ang mga filipina housemaids ay masayang kumakain kasabay ng kanilang boss at pamilya nito. Makita silang masaya habang kumakain kahit na halatang hindi pa nila masyadong gusto ang mga pagkain nila.

Masasaya rin silang nagtatrabaho at hindi halata sa kanilang mga mukha ang pangungulila at pangamba. Masyado ngang mabait ang kanilang boss sa kanila at napaka swerte ng kanilang napagtrabahuan.

Maraming netizen naman ang na amaze sa pinamalas na ugali ng arabong amo sa mga Pinay OFWs. Inaasahang marami pang mga employers ang magiging katulad niya at marami pang Pinay ang matutulungan na makamit ang kanilang pangarap para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Loading...