Tignan ang Pinakamaliit na Isla sa Buong Mundo at ang Pamilyang Naninirahan dito.

Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao maliban sa damit at pagkain ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan. Ito ang pangarap ng bawat isa na pinagsisikapang matupad sa abot ng kanilang makakaya. Kaya bata pa man ay puno na tayo ng mga paalala mula sa ating mga magulang na pag-igihan ang pag-aaral dahil ito daw ang susi sa tagumpay at pag-abot ng ating mga pangarap sa buhay.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Bawat isa sa atin ay may mga nabubuong pangarap na bahay na plano nating ipagawa kapag may mga sapat ng ipon para dito. Namamangha tayo sa ating mga nakikita sa paligid, kaya sila rin ang isa sa mga inspirasyon natin upang makamit ang ating pangarap. Ngunit napag-alaman namin mula sa isang artikulo na mayroon palang tinuturing na pinakamaliit na isla sa buong mundo at may nakatira pa dito na isang pamilya sa kabila ng pagkakilanlan dito.

Ang tawag sa isla na ito ay “Just Room Enough” na makikita sa Saint Lawrence River off Alexandria, New York. Naagaw nito ang titulo sa islang tinatawag na Britain’s Bishop Rock na matatagpuan sa Isles of Scilly. Taong 1982 ng tayuan ito ng light house kung kaya naman wala nang taong nanirahan dito, wala na ring mga halaman at mga puno kung kaya hindi na ito itinuturing na isang isla.

Taong 1950 naman ng binili ng pamilya Sizeland ang isla dahil nais nilang magkaroon ng lugar na mapagbabakasyunan. Isang tahimik at mapayapang lugar na wala silang kapitbahay at tanging tubig at halaman lamang ang nakapaligid sa kanila. Kasing laki lamang ng tennis court ang nasabing isla na mayroong haba na 78 feet at 27 feet na lapad. Mayroon ding isang puno at ilang halaman sa tabi ng kanilang mumunting tahanan na talaga namang nakadagdag pa sa ganda ng lugar.

Kinilala ng Guinness World Records ang islang ito bilang pinakamaliit na isla sa buong mundo, nagbigay ito ng atraksyon sa mga turista, at maraming tao ang gustong masilip at nagnanais na makadalaw sa isla. Dahil sa pagka diskubre ng karamihan patungkol sa isla, ang dating matahimik at matiwasay na pamumuhay ng pamilyang Sizeland ay mukhang hindi na magiging tulad pa ng dati. Subalit nasa kanila pa rin ang desisyon kung ito ba ay hahayaan nilang mapuntahan ng mga turista dahil pag-aari naman nila ang isla at pribadong lugar ito.

Loading...