Pinakamayamang Prinsipe na si Prince Abdul Mateen, Naghahanap ng Kaniyang Pakakasalan.

Dahil sa modernong panahon ngayon na halos nilalamon na tayo ng makabagong teknolohiya, naging mas mabilis ang gawain ng tao at naging komportable ito, maging sa mga magkalayong pamilya ay nagiging konektado dahil sa mga invention ng tao.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Pati paghahanap ng mapapangasawa sa ngayon ay naging mabilis dahil sa mga online apps na usong-uso. At di mo akalaing marami ang nakakahanap at maswerte sa kanilang napapangasawa, may mga foreigner at mayayamang tao pa.

Subalit kakaiba ang isang balitang ito na nagmula pa sa ibang bansa. Ang mga magulang ng prinsipeng si Prince Mateen ay nag anunsyo na ikakasal na daw ito sa susunod na taon dahil nasa tamang edad na ang prinsipe kung kaya’t naghahanap sila ng magiging bride nito.

Si Prince Abdul Mateen ay ang pang sampung anak ni Majesty Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, maituturing whole package na ang Prinsipe dahil nasa kaniya na ang lahat ng aspeto na hinahanap ng isang babae.

Si Prince Abdul Mateen ay mayroong malaking social media na kasunod ang magagandang dahilan, isa na nga dito ang kaniyang kaugalian.

Siya ay mayroong white tiger cubs at ocelos. Madalas din niyang i-post ang larawan ng kaniyang mga alagang hayop sa kaniyang Instagram account, isa na nga dito ang kaniyang leaopard cub at ang kaniyang tiger cub.

Si Prince Mateen din ay isang sundalo kung saan siya ay pangalawang liutenant na kaniyang nakamit noong 2011 sa commissioning officer course sa Royal Military Academy Sandhurst sa UK.

Kapag siya ay hindi naglalaro ng sports o wala siyang schedule para sa kaniyang responsibilidad bilang prinsipe, sinabi niya na siya ay nakikipag-bonding lamang sa kaniyang mga kaibigan o nanonood ng pelikula.

Siya ay nakatira sa 1877-room Brunei Palace na punong puno ng silver, gold, at diamond. Siya ay mayroong 10 Rolls Royce, 20 BMW, 50 Mercedes Benz, 3 Lamborghini, 66 Ferrari, 17 Jaguar, 20 Bentley, and 15 Porsche. Siya din ay mayroong isang eroplano na punong puno ng gold, diamonds, at gems sa loob nito.

Kaya baka may interesado diyan na mga dilag ng ating bansa, ito na ang tsansa nyo at baka kayo pa ang mapili na maging kanyang prinsesa.

Loading...