OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Tinaguriang mga “Bayani” ang ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFW) dahil sa kanilang sakripisyo na mawalay sa piling ng kanilang mga pamilya at magtrabaho sa malayong bansa na walang kasiguraduhan ang kanilang kaligtasan.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Magandang buhay para sa kanilang pamilya ang isa sa mga pangarap ng bawat OFW na umaalis ng bansa. Subalit, hindi naman lahat ng mga nasa ibang bansa ay natutupad ang pangarap dahil kadalasan ay kabaligtaran ang kanilang naging buhay doon.

Maswerte kung maituturing na may mga kababayan tayong nakauwing ligtas sa kanilang pamilya at napagtapos ang kanilang kontrata. Di katulad sa nangyari sa isa nating kababayan sa Saudi Arabia na binawian ng buhay dahil sa malubhang sakit na hindi man lang nasilayan ang kanyang pamilya.

Siya ay kinilalang si Marcela at nakipagsapalaran sa ibang bansa, nagtrabaho sa Saudi Arabia para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan at masuportahan ang bawat pangangailangan ng kaniyang pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Nagtrabaho siya ng mabuti at hinarap ng mag isa ang bawat problema na darating sa trabaho at sa kaniyang amo. Dahil sa pagtatrabaho, nabalewala na din ni Marcela ang kaniyang sariling kalusugan. Hindi siya umuwi sa Pilipinas sa loob ng 12 taon para lamang matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyan pamilya at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

Sa kasamaang palad, dahil napabayaan ang kalusugan sa kakatrabaho, siya ay nagkasakit kung saan siya ay na-diagnose ng stage 4 [email protected] na dahilan ng kanyang pagpanaw.

Ngunit, ang mas masakit dito ay hindi man lamang niya nakasama ang kaniyang pamilya sa huling sandali ng buhay niya.

Ang nakakadurog pusong kwentong ito ay ibinahagi ng netizen na si Phublico Eam Aehr. Maraming mga netizens ang naluha at nalungkot sa kwentong ito ni Marcela.

Sa ngayon, wala pang balita kung naiuwi na nga ba ang [email protected] ni Marcela sa Pinas.

Ayon sa huling ulat, kinakailangan ni Marcela ng tinatayang SAR30,000 o katumbas ng P388,759 para sa kaniyang plane ticket sa Philippine Airlines. Ang ganitong kalaking halaga ay talaga namang mahirap likumin lalo na at humaharap tayo sa pand3mya. Ang problemang ito ay naging dahilan kung bakit hindi nakauwi si Marcela sa kaniyang tahanana.

Napakalungkot na ang taong nagsakripisyo para umunlad tayo ay hind man lamang natin naalagaan sa kanyang huling sandali sa mundo.

Loading...