Netizens, Nagbigay Tulong sa Matandang Mag-asawa na Nagtitinda ng Okra at Nakatira sa Tricycle sa Bangketa.

Ang lungkot pagmasdan na ang karamihan sa ating mga matatandang kababayan ay nagsusunog pa rin ng kilay sa paghahanapbuhay para sa kanilang pamilya. Dapat sa kanilang mga may  edad ay nananatili na lamang sa kanilang mga tahanan at nagpapahinga na kasama ang kanilang mga anak at apo.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Sa ating pagmamasid sa paligid, kadalasan makikita natin sila na iniinda ang init ng panahon upang maka benta kahit pa man wala silang sariling mga pwesto, at minsan sila pa nga mismo ang dumadayo sa ibang mga lugar upang ilako ang kanilang paninda.

Katulad na lamang po ng napakasipag na 69 anyos, na siyang pumukaw sa atensyon ng karamihan. Nabigyang pansin si Tatang dahil sa isang post ng netizen sa social media, ito ay ibinahagi sa isang facebook page na Bulacan Eats. Sa nilalaman ng kanilang post, nananawagan sila sa mga netizens na malapit lamang sa lugar na pinagtitindahan ni tatang na sana ay tangkilikin ang kanyang panindang gulay tulad ng Okra.

Isang malaking tulong na daw po ito para sa kay tatang na kinilalang si Octavio Padre Juan, maliban sa ito ang kanilang pinagkakakitaan, wala rin silang sariling bahay na pagsisilungan.

Nagasisilbing tahanan nila ang kanilang tricycle na nakaparada sa bangketa kasama ng kanyang asawa. Napag-alamang naka wheel chair na lamang si nanay at si tatang na din ang nag-aalaga sa kanya. Proud pang ipinakita ni tatang ang kanilang munting sinisilungan na triycle na mayroon daw itong dalawang palapag, kung saan siya ay natutulog sa itaas at si nanay naman sa ibaba.

Inaabot daw ng 24 oras ang kanilang paglalako sa bangketa, palipat-lipat din ng lugar kung saan makakahanap ng mga customer, sa mga terminal area, sa harap ng mga restaurant at kung saan na pwedeng mabentahan.

Kaya ganuon na lamang ang panawagan ng isang FB Page sa mga netizens na kung makita sila at madaanan man lang ay sana mabilhan sila, masustansya ang gulay at makakatulong ka pa sa kanila.

Hindi naman binigo ang page yun, dahil ng mabasa ito ng mga netizens ay agad bumuhos ang tulong para sa matandang mag-asawa. Marami na ang bumibili sa kanila at nadagdagan na rin ang kanyang paninda maliban sa okra, may mga kalabasa, sibuyas at iba pa.

Maraming mga tao ang humanga sa sipag ni tatang at na inspire dahil sa pagsisikap niya sa buhay, ayon nga sa ibang nagkomento, ” Ang sarap nilang tulungan kasi nagsisikap sila”,Nakakahanga silang mag-asawa, kahit hirap sa buhay may marangal silang trabaho”.

Loading...