Lalaking Palaging Napagkakamalang Magnanakaw, Pinili pa ring Maging Mabuti para sa mga Anak.

Naging mas malaking isyu sa lipunan sa ngayon ang pagkakaroon ng watak watak na pamilya. Paghihiwalay ng mga magulang at kadalasan ito ay dulot ng hindi pagkakaunawaan, at halos karamihan ito ay nawawasak dahil sa kasalanan ng mga kalalakihan.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Subalit, ibahin natin ang naging kwento ng mag-amang ito na tinulungan ng isang vlogger na kinilalang si Denso Tambyahero.

Napag-alamang nakita ni Denso sa Dela Rosa, Makati City ang mag-ama sa gilid lamang ng kalsada.

Kinumusta ng vlogger ang ama na si Johnny at kasama nito ang kanyang dalawang anak. Kwento ni Johnny, iniwan na sila ng kanyang misis kaya naman mag-isa niyang itinataguyod ang mga anak. Wala raw silang makuhang maaring maupahang bahay dahil wala raw nagtitiwala sa kanya. Inaakala raw kasi ng marami na siya ay balasubas at magnanakaw kaya hirap siyang makakuha ng maayos din na trabaho. Pangangalakal ang ikinabubuhay ni Johnny. Bagaman at walang tirahan, nakikisilong lamang sila sa malapit na convenience store pag umuulan.

Kahit hirap sa araw-araw nilang pamumuhay, masasabi niyang masaya pa rin siya at nawawala ang kanyang pagod dahil sa kanyang mga anak. Sisikapin din daw niyang pag-aralin ang mga ito. Kahit hanggang high school man lang daw ay igagapang niyang makatapos ang dalawang anak. Naghihikahos man, sinisikap din niyang maibigay kahit paano ang mga kagustuhan ng mga supling. Dahil dito, labis na humanga si Denso kaya naman nag-abot siya ng tulong sa mag-aama. Ibibili raw ito ng mga gamit ng bata at pagkain at maaring paninda upang sila ay may kitain. Narito ang kabuuan ng video na umantig sa puso ng maraming netizens:

 

Tunay na hindi rin matatawaran ang pagmamahal at pagmamalasakit ng isang ama sa kanyang mga anak. Bilang isang magulang, hangad din nila ang kabutihan para sa mga supling na nagsisilbing kaligayahan nila. Sa hirap man o ginhawa, handang gawin lahat ng isang ama upang magabayan ang mga anak lalo na kung wala na ang ina ng mga ito. Isang kwento ng pamilyang pilit na lumalaban at hindi patatalo sa hirap ng buhay, yan sana ang mangibabaw sa bawat isa sa atin.

Loading...