Lalaking Nanalo sa Lotto na $158M Nagbihis Multo para hindi Makilala ng Kanyang Kamag-Anak at hindi Abusuhin at Mahingian ng Balato

Marami ang nangangarap na maging isang instant milyonaryo, isa sa mga paraan na ito na pinanghahawakan ng mga tao ay ang pagtaya sa lotto. Kahit na sobrang liit ng chances na manalo, pero sino nga ba ang mag-aakala na baka isa ka sa maswerteng makatama dito.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Abot kaya nga naman ang halaga sa pagtaya sa lotto, pero kung ito ay kwentahin mo sa loob ng mahabang panahon na pagtataya, malaki laki rin pala ang inilaan mo dito, kaya nga sabi ng iilan, mas mabuti pa raw na mag-ipon kaysa tumaya sa mga ganito.

Pero paano nga kaya kung dumating ang panahon na ikaw ay mananalo? Ano kaya ang gagawin mo sa perang ito?

Ayon nga kasi sa mga kasabihan ng iilan, kapag daw ang pera ay hindi nanggaling sa sariling pagsisikap,mabilis lang daw ito maubos at mawala.

Isang experience ng lalaking nanalo sa lotto ang kanyang ibinahagi sa social media. Hindi naman daw sa pagiging madamot kung kaya’t nagdesisyon siyang itago ang buong katotohanan hingil sa kanyang napanalunan, nakasalalay din kasi dito ang kanyang kaligtasan.

May mga tao din daw kasing nang aabuso kapag nalaman nilang may pera kang pwede nilang ma huthot, nararapat din namang magbahagi at magbigay basta huwag lang din sobra at magtira ng pang sarili.

Isang matalinong paraan ang ginawa ng taong ito mula sa bansang Jamaica na kung saan siya ang nanalo ng 158.4 Million Jamaican Dollars o ang katumbas ay P53,030,907.

Pinatagal niya ang pagkuha ng kaniyang premyo upang hindi makahalata ang kaniyang mga kamag- anak. Sa katunayan ay lumipas muna ang 54 araw bago niya ito kuhanin.

Noong araw ng pirmahan ay balot na balot siya ng puting tela at nakasuot ng “Scream” na maskara upang maitago ang kaniyang hitsura.

Maging ang kaniyang pangalan ay hindi din inilantad at ang tangi niya lang pagkakakilanlan ay bilang A. Campbell.

May katanggap tanggap na rason naman si A. Campbell kaya niya ito ginawa. Ayaw niya daw itong ipamahagi sa kaniyang mga sakim na kamag- anak. Narito ang kaniyang mga pahayag.

“Normally, I would write down the numbers from the draw, eat and then go and check my numbers”

“I looked at my ticket and ran into my bathroom and said : I won! I won!”

“I want to get a nice house. I haven’t found it yet, but I’ll be looking for one soon. I like to handle money. I don’t beg, I don’t borrow”

“So I’m looking things that can turn over the money. I have a little business, so I plan to make it bigger, buy an apartment. I love to have money”

Loading...