Lalaki, naging Agaw Pansin ang Bahay dahil sa Pinalamutian ng halos 10,000 Porselanang Pinggan.

Hindi maikakaila na may mga tao talagang napakahilig sa iba’t-ibang koleksyon, di lamang babae kundi may mga lalaki din na mahilig mangolekta.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Sa panahon ngayon kadalasan na makikita natin ay mga koleksyon ng tanim, yung mga plantitos at plantitas.

Pero naging kakaiba ang estorya ng isang lalaking ito na kinahiligan din ang pangongoleksyon ngunit ito ay mga plato.

Ayon nga sa MMV.ph:

Halos nabalot na ng pinggan ang bahay ng isang 58-anyos na lalaki sa Vietnam na kolektor ng mga antique at traditional porcelain dishes.

Nagsimulang mahumaling sa porcelain antiques si Nguien Van Truong noong 1986, isang taon mula nang ma-discharge siya sa army at bumalik sa kanilang tahanan sa Vinh Phuc province.

Habang naghahanap-buhay bilang karpintero, nagkaroon si Truong ng pagkakataon na magtrabaho para sa isang antique collector, na unang nagpakita sa kanya ng kagandahan ng porcelain dishes.

Sa pagkamangha, nagpasya ang matanda na mangolekta na rin nito saka naglibot sa mga kalapit na probinsya upang makahanap ng nasabing materyal.

Noong una ay hindi pa raw matanggap ng kanyang mga kamag-anak ang kinahihiligang bagay, lalo na’t umabot siya sa puntong nangungutang na ng pera sa ibang tao para makabili ng pandagdag sa koleksyon.

Unang plano ni Truong ay ibenta ang mga naipong porcelain, ngunit nagbago ang isip nang malaman niya ang kalakaran nito sa abroad.

Nagdesisyon siyang itabi na lang ang koleksyon at saka umisip ng paraan kung paano ito iingatan mula sa pagkabasag.

“I thought the only way to protect the legacy of our ancestors was to attach them to the walls of my house,” ani Truong batay sa local reports na isinalin ng Oddity Central.

Sinimulan niyang idikit ang mga porselanang pinggan, platito, mangkok at iba pa, sa pader, hanggang sa lagyan niya na rin ang gate, bakod, at loob ng bahay.

Sa loob ng 25 taon, nabalot na ng halos 10,000 porselana ang bahay ni Truong na agaw-pansin ang mga litrato sa social media.

Wala naman aniyang pakialam si Truong sa halaga ng kanyang koleksyon, at ang mahalaga raw ay pag-ingatan ang kultura ng kanilang bansa.

Pinaalalahanan niya na rin daw ang mga anak na huwag ibenta o sirain ang bahay sa oras na mawala na siya sa mundo.

 

Loading...