Lalaki mula sa Guimaras, Bumuo ng Bisikletang gawa sa Kahoy para makapunta sa Trabaho.

Sa panahon ngayon na sobrang mahirap mag commute, marami sa ating mga kababayan ang mas pinipili na lamang mag motor para iwas sa hawaan sa mga sakayan. ISa nga itong mabuting ideya para hindi masyadong masikip ang mga pampublikong sasakyan. Ngunit paano naman yung mga taong hindi kayang bumili ng motor o bisikleta lamang?

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Narito po ang isang kahanga-hangang paraan ng isang Ama para makapagpatuloy sa paghahanapbuhay.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN:

Hinahangaan ngayon sa social media ang isang bisikletang ginamitan ng kahoy at bakal na gawa ng isang katiwala ng bukid sa Guimaras.

Kuwento ng Bayan Patroller na si Renzie Azucena, bumibiyahe siya sa Barangay Supang sa Buenavista nang nadaanan niya sa kalsada ang 32 anyos na si Jannifer Cabaya.

Nagmamaneho si Cabaya ng bisikletang gawa sa kahoy at bakal.

Bumilib si Renzie sa pagkamalikhain ni Cabaya kaya ipinost niya ang larawan nito sa Facebook.

Ayon kay Cabaya, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling bisikleta.

Pero dahil walang budget na pambili, naisip niyang gumawa na lang ng sarili niyang bersiyon mula sa mga patapon nang kahoy at bakal.

“Matagal ko na pong gusto maka bisikleta. Di ko naman makaya bilhin kaya ginawan ko ng paraan… Ang harap na gulong hiniram ko lang,” ani Cabaya.

Sa ngayon, ginagamit ni Cabaya ang kaniyang bisikleta tuwing lumuluwas siya sa bayan mula sa bukid.

Loading...