Isang Delivery Rider Hinangaan dahil sa Pag-Oonline Class nito Habang nasa Trabaho.

-Trending ang larawan ng isang delivery rider na sa kabila ng pagtatrabaho ay nakuha pang dumalo sa kaniyang online class.

-Siya ay 21 anyos na Grab driver at nakunan ng larawan habang naka-parada at naka hawak ng cellphone bilang gamit sa online class.

-Kailangan daw niyang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral bilang tulong na rin sa kaniyang Pamilya.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Maraming mga netizens ang naantig sa larawan ng isang delivery rider ng Grab dahil sa kaniyang dedikasyong makapag-aral habang nagtatrabaho. Nakita na nakaparada ang nasabing rider habang hawak ang kaniyang cellphone at umatend sa online class nito.

Halos karamihan ng mga pribado at publikong paaralan ay nagsasagawa na kasi ng online classes bilang alternative na maipagpapatuloy ang school year sa kabila ng banta ng pandemya.

Napag-alamang 21-anyos na si Francis Ax Valerio na communications student ng Adamson University. Ayon sa Rappler, kuha ito ng kapwa niya Grab delivery rider na si Christian Lorenz Ñunez. Makikitang hawak ni Valerio ang cellphone hindi para mag-abang ng orders kundi para makadalo sa kanilang online class. Ginagawa raw ito ng working student tuwing siya ay naka-break o di naman kaya ay kung wala pang dagsa ng delivery ayon sa Radyo Singko 92.3 News FM.

Ngunit sa panayam ng ABS-CBN News kay Valerio, sinabi niyang kinailangan niya itong gawin dahil na-stroke ang kanyang ama nito lamang Hulyo. Ang kanyang ina na isang government employee ay hindi rin makapagtrabaho dahil ito ang nagbabantay sa ama.

Bukod kay Francis, may isa pa siyang grade 10 student na kapatid na kailangan din niyang suportahan. Kwento pa ng rider, bago pa man mag-pandemya, tumutulong na siya sa kanilang pamilya. Dati siyang nagtrabaho sa isang fast food chain at ngayon nga ay minabuti niyang maging delivery rider. “Naaawa po ako sa Mama ko dati nakikita ko siya naiyak ‘pag wala siya mabigay sa’min kaya nagpursige na po ako magtrabaho,” pahayag ni Valerio. Ito raw ang lalong nagpalakas sa kanya para hindi sukuan ang mga pinagdaraanan niya sa buhay.

Sa panahong ramdam natin ang hirap na dala ng pandemya, nagbibigay inspirasyon sa atin ang mga kwento ng buhay tulad nang ibinahagi ni Ax. Ang ilang kabataang tulad niya ay natututo na ring dumiskarte sa buhay para lamang makatulong sa kanilang pamilya.

 

Loading...