Ginang Napaiyak, ng Multahan dahil sa Paglalaba ng Walang Face Mask sa bakuran.

Bilang isang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng c0vid-19 sa bansa at sa buong mundo ay ang panukala sa lahat na kinailangang magsuot ng face mask, face shield at pagsunod sa social distancing. Habang wala pang kaakibat na gamot sa ganitong uri ng v1rus, pansamantalang ito muna ang new normal na buhay ng tao.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Subalit napabalita nitong mga nakaraang araw ang isang video sa social media na mabilis na nagviral. Patungkol sa isang ginang na minultahan di umano dahil nakitang walang suot na facemask habang naglalaba sa bakuran.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN:

Sa Duhat compound sa Barangay Marcelo Green, ParaƱaque nangyari ang na-video-han na pagtatalo sa pagitan ni Dina Mapayo at mga awtoridad

Naglalaba sa labas ng kaniyang bahay si Mapayo at wala siyang face mask kaya pilit siyang pinapagalitan ng mga tauhan ng task force.

“Hindi ko naman kailangan ng face mask habang naglalaba… Ang alam ko ‘pag lumalabas mag-face mask,” giit ni Mapayo.

Hanggang sa huli, nanindigan pa rin si Mapayo at hindi sumama sa mga awtoridad.

“Ngayon nagre-resist kayo. Within 3 days aalamin po namin ang pangalan niyo, papadalhan namin kayo ng summon. Mas lalaki ang problema niyo,” anang isa sa sumita sa ginang.

Dahil sa di pagsusuot ng mask, pinagmumulta ng P1,000 si Mapayo. Napaluha ang ginang dahil sa umano’y kalabisan ng mga awtoridad.

“Masyado na silang abusado sa mga mahihirap na kagaya namin,” emosyonal na sabi ni Mapayo.

Depensa ni Mapayo, dahil maliit lang ang kaniyang bahay ay sa labas siya naglalaba. Wala pang isang metro ang layo nito sa kanyang bahay.

Ayon kay ParaƱaque Mayor Edwin Olivarez, pinaiimbestigahan pa niya ang insidente.

Umani ng sari-saring komento sa social media ang insidente. Sa inyo po tama ba ang ginawa ng mga task force?

Loading...