Food Rider, Kinain Na Lamang Ang Pagkaing Inorder Matapos Kinansela Ng Customer

Sa hirap ng buhay na kinakaharap ng mga tao sa ngayon dulot ng pandemya, talagang pagalingan at pasipagan na lamang at sariling diskarte upang mabuhay at matustusan ang pangangailangan ng buong pamilya.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Marami sa ngayon ang nagtatrabaho bilang isang food rider dahil sa naging limitasyon ngayon ang paglabas ng mga tao, naging mahirap rin sa kanila ang bumili ng mga pagkaing kanilang mga gusto, kaya sa tulong ng mga rider na ito, deliver hanggang sa kanilang doorstep ang mga inaasam nilang mga pagkain.

Ngunit hindi lingid sa ating kaalaman, talaga nga namang may mga taong walang konsiderasyon rin sa kapwa nila na nagtatrabaho ng marangal para magkaroon ng ikabubuhay.

Katulad na lamang ng naging karanasan ng isang food rider na si Yenyen Catiloc, nito lang, kumalat ang larawan niya online kung saan mistulang nagpupunas siya ng luha habang kumakain sa gilid ng isang building.

Nagbigay naman ng kani-kaniyang kuro-kuro ang mga netizen sa naging sitwasyon ni Catiloc. Hinuha ng ilan, kinansela ng isang customer ang kaniyang ipina-deliver kaya kinain na lamang niya iyon.

Nilinaw naman ng netizen na si Natdemzon Lazo Pagkanlungan ang totoong istorya sa likod ng larawang ito. Sinabi ni Catiloc, hindi naman siya lumuluha sa larawang iyon. Aniya, sobrang init at pagod na siya nang mga oras na iyon at nasaktuhan naman siyang nakuhanan ng larawan.

Sinabi rin ni Catiloc na ang cancelled order na iyon ay nagkakahalaga ng 300 pesos. Ito ang halaga na inabonohan niya sa sarili niyang pera.

Batay naman sa kanilang patakaran, mare-reimburse naman niya sa kanilang kumpanya ang iniabono niya. Gayunpaman, malayo ang kanilang opisina at matagal na proseso ang pagpapa-reimburse ng pera kaya malaking abala ito sa kanila.

Dahil sa ibang mga iresponsableng kustomer na hindi kumukuha ng kanilang mga inorder, halos araw-araw ay nagkakaroblema ang mga kagaya ni Catiloc sa kanilang bookings. Aniya, ipinagpapasa-Diyos na lang nila ang ganitong mga pangyayari.

Nawa nga na ang karanasan na ito ni Catiloc ay huwag nang maulit pa at mabigyan sila ng proteksyon at agarang solusyon sa kanilang cancelled bookings. Nabalitaang halos marami ng mga food riders ang nabiktima ng mga scam bookings at ang iilan sa mga ito ay mula sa mga vloggers. Nawa’y maipasa at maaprubahan na ang batas na magpoprotekta sa mga ganitong uri ng trabaho.

Loading...