Dahil ayaw Ipagamit ang CR, Customer Tumae sa Coffee Shop at Ibinato ang Dumi sa Empleyado ng Shop

Sa buhay natin, may mga pangyayari talagang hindi natin malilimutan, lalo pa kung ito ay mukhang kahihiyan. Nakakatawa man minsan, patunay lang ito na hindi natin kontrolado ang ating katawan.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Sino nga ba ang taong gustong mapahiya sa karamihan? ngunit ito ay mga biglaang pangyayari lamang. Hindi biro ang makaramdam ng pananakit ng tiyan lalo na kapag hindi mo na mapigilan.

Naging trending ang isang  nangyari sa babaeng inabutan ng sama ng tyan sa isang coffee shop kung saan nakunan ng CCTV ang buong pangyayari.

Sa isang video, mapapanuod ang babae na tila maayos na nakikipag-usap sa staff ng coffee shop na napag-alamang Tim Hortons. Makikitang parang nagpapa alam ang babae na makigamit ng kanilang Comfort Room (CR).

Ayon sa ulat, hindi umano pinayagan ng staff ang babae na gumamit ng banyo. Base sa kanilang patakaran, kahit naman raw sino ay welcome na makigamit nito. Subalit sa kasamaang palad, ang ilang branch o franchise ng nasabing shop ay kailangan pa raw magbigay ng passcode o susi sa customer depende sa discretion o sariling pasya ng empleyado.

Dahil dito, malinaw na nagalit ang customer sa naging pagtrato sa kanya kung kaya naglabas ito ng sama ng loob at hindi inaasahang sa pamamagitan ng pagdumi sa mismong harap ng cashier at ibinato ito sa staff na noong una ay pinakiusapan pa nya.

Naglabas naman ng statement ang Tim Hortons tungkol dito.

Saad nila, hindi umano pinayagan ng staff na gumamit ng kanilang washroom ang babae dahil sa “past behavior and out of concern for the immediate safety of team members and guests in the restaurant.”

Dagdag pa nito, “We are deeply concerned by this video as the safety of our team members and guests is always a top priority for us,”

“In limited cases across the country restaurants have a restricted access policy for restrooms to ensure the well-being of our guests.” paliwanag ng kumpanya.

Agad namang inaresto ng mga pulis ang babae dahil sa pagdumi sa pampublikong lugar.

Tama nga ba ang ginawa ng emplyedao ng coffee shop sa ganuong klasing customer? Ano po ang masasabi ninyo?

Loading...