Trending ang 14-anyos na Babae na Walang Takot na Nag-aalaga ng 6 na Malalaking Python.

May mga tao talagang mahihilig mag-alaga ng mga hayop at maging attach na sa kanila na parang tinuturing na miyembro na ng kanilang pamilya. Kadalasan sa mga ito ay nag aalaga ng ibat-ibang breed ng aso, mga pusa, ibon at mga isda, sila kasi ang libangan ng iilan sa atin at nagtatanggal ng kanilang pagod sa tuwing inaalagaan ang mga ito.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Yung mga mag-asawang walang anak ay kadalasan ang mahihilig sa pag-alaga ng aso at kanila pa mismong pinapatulog sa kanilang mga kama na parang tunay nilang anak.

Ngunit mukhang kakaiba ang taste ng isang dalagang ito sa pagpili ng hayop na kanyang gawing alaga, kaya naging agaw pansin siya sa social media.

Nasa edad na 14 anyos ang dalaga mula sa Indonesia na si Chalwa Ismah Kamal, at di tulad ng ordinaryong tao na tuwing makakita ng ahas ay halos lilipad na ito sa takbo at takot ngunit ginawa pa itong alaga ng dalaga, hindi lamang isa kundi anim na naglalakihang mga python ang kanyang walang kakaba-kabang nilalambing at inaalagaan.

Napapanganga at nag-aalala na lang ang netizens na nakakapanood ng mga Instagram at TikTok video ni Kamal kasama ang mga hayop.

Sa panayam ng Indonesian website na Lampung77, sinabi ng dalagita na kasa-kasama niya na sa bahay ang anim na python simula noong 4-anyos pa lamang siya.

Tiniyak niya rin na walang dapat ikabahala ang netizens dahil maamo at hindi raw nakalalason ang kanyang alaga, taliwas sa akala ng marami.

Bukod kay Kamal, makikita rin sa ilang video ang kapatid niyang tila komportable at wala ring takot sa mga higanteng kasama sa bahay.

Halos noong nakaraang buwan lang nang simulan ni Kamal ang pagbabalandra ng mga alagang python sa kanyang Instagram na mayroon na ngayong higit 8,000 followers.

Loading...