Paslit na Parking Boy, Pinuri dahil sa Panlilibre sa Babaeng Di Kilala na Naghihintay ng kanyang Kasama.

Sabi nga nila ang sarap daw sa pakiramdam na ikaw ang nagbibigay kaysa ikaw ang bigyan. Ang pagbibigay ay hindi naman sinusukat sa halaga, sa dami at sa uri ng bagay na dapat nating e abot sa ating kapwa, basta’t nakatulong tayo at napasaya natin ang ibang tao.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Kaya katulad na lamang ng eksena ng isang batang nag alok ng pagkain sa isang di kilalang tao, kung saan ipinamalas niya ang isang magandang kaugalian kahit pa man siya ay musmos at wala pang kaya sa buhay.

Nag trending ang post na ito na nagmula sa isang facebook post ni Joy Anne Vicente, ipinakita niya kung gaano ka buti ng batang si Joshua habang naghihintay ito sa isang parking lot.

Ayon sa salaysay ni Joy ay sinamahan daw niya ang kanyang ina nag mag-ayos ng dokumento nito sa OWWA, may kasama silang representative ng OWWA kung kaya’t minabuti ni Joy na magpaiwan sa kanilang sasakyan.

Unang pasok ko sa parking, sa likod lang ako ng isang sasakyan nagpark. So nung aalis na yung nasa harapan ko, kinailangan kong lumabas na mauna to give way and this kid guided me,” kwento ni Joy.

Umaga pa dumating sina Joy sa OWWA at lagpas lunch time na at hindi parin siya nakakakain.

Di namalayan ni Joy na kumakatok na pala itong si Joshua at tinatanong kung ok lang ba siya sa loob at kung kumain na daw ito, sabi ni Joy ay wala siyang dalang wallet kung kaya’t hinintay na lamang niya ang kanyang ina na makabalik sa sasakyan.

“Him: Edi gutom ka na niyan? Ano bang gusto mong kainin may canteen naman dito bilhan kita.”

“Me: Wag na. Okay lang ako. Hintayin ko nalang sila baka patapos na yun.”

Humingi pa daw ng 20 pesos si Joshua kay Joy kaso wala siyang maibigay dahil wala itong wallet kung kaya ay umalis na lamang ang bata.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik nanaman si Joshua at may dala ng turon. Aniya, pambili sana ng ulam ang 20 pesos na hinihingi niya kanina.

Dito na nagulat si Joy at humanga sa kabutihang loob ng bata. Pinambili pala nito ng turon yung 10 pesos na ibinigay niya noong unang inassist siya ni Joshua sa pagpapark.

“I’m so touched. May mga tao pa rin talagang ganito. Minsan kung sino pa yung walang wala, sila pa yung nagbibigay.”

“This made me realize even more na I’m really blessed and should be thankful kasi nasa maayos akong kalagayan. And for that, I should also have the capacity na makatulong in my own little ways. Kung sya, kaya niya. So why can’t I? Why can’t we?”

Umani ng maraming papuri ang post na ito ni Joy at marami ang na-touch sa kabaitang ipinamalas ni Joshua. Isang halimbawa si Joshua ng mga ilan pang tao na kahit mahirap ay mayroon namang busilak na puso, hindi naman lahat ng mga tao na nakikita natin sa lansangan ay masama at walang modo, minsan sila pa nga yung kusang tutulong sa iyo ng walang hinihintay na kapalit.

Loading...