Panuorin: Matalinong Pusa Humingi ng Karne sa Tindahan, Pinapili pa ng May-ari kung Ano ang Gusto niyang Kainin.

Talaga ngang ang mga pusa at aso ay man’s bestfriend dahil sa mga malalambing ito at tila mayroong matalinong pag-iisip kumpara sa ibang hayop.

YOU MAY ALSO READ:

Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.

“Go home, be home” – Isang CEO Hinangaan Matapos Maghayag Ng Open Letter Patungkol Sa Kanyang Mga Empleyado

Minsan bigla nalang silang aakyat at kukuha ng pagkain sa lamesa ng walang pahintulot, yan ang karamihan sa mga alagang aso at pusa natin sa ating tahanan, kaya ang videong ito ay kinaaliwan ng mga netizens dahil sa kanyang pinamalas na aksyon.

Katulad na lamang ng pusa na ito na labis na kinagiliwan ang  mistulang customer na namimili pa kung ano ang kanyang bibilhin sa isang meat shop.

Sa viral video na ipinost ng Indomita Passione sa Facebook, mapapanood ang tila pag-uusap ng pusa at ng tindero na may-ari ng shop.

Kinuha ng may-ari ang iba’t ibang karne na kanyang itinitinda at ‘tinatanong’ ang kanyang mapiling ‘customer.’

Maya-maya pa, mukhang nasagot na kung ano ang gusto nitong kainin.

Nang ipakita kasi niya ang huling karne, mukhang gusto na itong talunin at kunin ng noo’y nakatayong pusa.

Agad namang humiwa ng parte ang may-ari saka ibinigay sa kanyang ‘customer’ na masaya naman itong kinain sa sahig.

Dahil sa kabaitang ipinakita ng lalaki sa video, umani ito ng papuri sa netizens.

Hindi naman daw kasi magbabayad ang naturang ‘customer’ pero nanatiling mapagbigay ang tindero.

Sa ngayon ay mayroon na itong 36K likes, higit 500 comments at 841K views online.

Loading...