Pamilya, Hinangaan dahil sa “Munting Hardin” sa Bubungan, Patok sa mga Netizens.

Sadyang napakahirap ng buhay kung wala tayong mga sariling diskarte sa ating buhay, kung kaya’t dapat ay marunong tayong magtipid at magkaroon ng ibang source of income.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Nitong mga nakaraang buwan ay talagang nasubok ang katatagan ng bawat Pilipino. Napakahirap ng dinaranas ng bawat isa dahil sa nangyaring pandemya.

Maraming mga aral ang ating nakuha sa pangyayaring ito, na mas mabuting pahalagahan ang ating kalusugan at kung kinakailangan ay magpahinga muna sa trabaho dahil ito ay temporaryo lamang. Maaring magkaroon tayo ng taniman sa ating mga bahay para dagdag na tulong sa ganitong mga sitwasyon.

Marami ang nagpatunay na malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng sariling taniman ng gulay sa bahay, di mo na kinailangang lumabas para pumunta sa palengke lalo na sa panahon ngayon na sobrang mapangan1b dahil sa mabilisang pagkalat ng v1rus, at mas naging panatag ka na ang mga gulay ay talagang sariwa.

Malaking tulong pa ito dahil nakatipid ka pa sa pagbili ng gulay, ngunit ang problema naman ay ang espasyo nito sa mga tahanan lalo na kapag nasa masikip ka na lugar na siksikan ang bawat bahay.

Hinangaan naman ang isang pamilyang ito na itinampok sa isang facebook page na “New Normal”: The Survival Guide”. Ang nasabing pamilya ay mayroon kasing “roof garden” sa kanilang bahay.

Para kasi sa kanila, walang hadlang sa kanilang pagtatanim ng gulay kahit pa man na walang espasyo sa kanilang bahay. Nasa bubungan kasi ang kanilang mga tanim na gulay at ito ay pag-aari ni Tatay Buboy.

Hinangaan ang kanilang bubungan dahil may mga tanim itong mga petsay na nakalagay sa dalawang batya, mayroon ding mga lettuce na napakamahal pa ng presyo sa pamilihan.

Kaya pinuri ang pamilya ni Tatay Buboy dahil sa matalinong pamamaraan nila upang magkaroon ng sariwang gulay sa kanilang tahanan. Nais naman na sundin ito ng ilang mga netizens dahil malaking tulong nga naman sa kanilang pamilya.

Loading...