Nabuntis sa Murang Edad na 18, Tiniis ang Mapanghusgang Lipunan Hanggang sa Natapos niya ang Kanyang Medtech Degree.

Sa bansang Pilipinas, isa sa mga kasabihan ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal, na nasa mga kabataan daw ang pag-asa ng bayan. Sa panahon ngayon di ko alam kung ito ba ay applicable pa sa kasabihang yun, dahil marami na sa ating mga kabataan ngayon ang naligaw ng landas.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Maraming kabataan sa ngayon ang lulong na sa ilegal na dr0ga, at maraming mga dalaga ang maagang nabubuntis ng walang ama. Titigil na ba sa puntong ito ang pagkamit nila sa kanilang mga pangarap sa buhay? Tunghayan po ang karanasan ng isang dalagang nabuntis ng maaga.

Isang teenager ngayon ang nagbibigay inspirasyon sa mga tao dahil sa kanyang katatagan sa kabila ng mapait na karanasan. Nalaman na ang teenager na ito ay nabuntis sa murang edad na 18-years old.

Siya si Zianne Tremedal, 20 years old ngayon, panganay sa tatlong magkakapatid. Inisip niyang siya na ang black sheep ng family dahil sa katigasan ng ulo at parating nadidis-appoint ang kanyang mga magulang.

Pumunta si Zianne sa isang malapit na clinic at doon niya narinig ang heartbeat ng baby niya sa pamamagitan ng ultrasound.

“Naiyak ako. Hindi ko alam kung tears of joy or sadness. Pero ang sarap sa pakiramdam ‘pag narinig mo ang first heartbeat ang baby mo,” sabi niya sa Smart parenting. Dahil doon napag-isip siya ng malalim kung hihinto sa pag-aaral o hindi. Nag-decide si Zianne na huwag huminto, at nang manganak siya dinala niya sa mga magulang niya ang baby niya at ipinagpatuloy ang pag-aaral. “Gusto kong magtapos on time kasi ‘yun ang gusto ng parents ko,” kuwento ni Zianne. “Gusto ko ring maibalik sa kanila ang lahat ng binigay nila sa akin at sa anak ko.” Bawat araw, pumupunta siya sa library para mag-aral, tinutulungan din siya ng mga kaklase niya sa pamamagitan ng pagbitbit ng kanyang bag.

Pero ang pinakamahirap daw sa lahat ay ang pag di-pansin sa mga taong alam niyang siya ang pinag-uusapan. “Masakit, nakakahiya, pero wala na akong pakialam kasi hindi naman sila ‘yung makikinabang sa mga ginagawa ko. Ako at ang baby ko naman ang makaka-benefit sa pag-aaral ko,” sabi ni Zianne. Habang ang baby niya ay nasa parents niya, nagpapadala siya ng breastmilk para sa baby niya.

“Nag-pa-pump ako habang nag-aaral,” sabi niya sa Twitter. “Ilang bottles pinupuno ko tapos nilalagay ko sa freezer at pinapadala sa Mindanao through ice bucket. Cargo lang thrice a week.” “Umiiyak ako parati. Every time na naririnig kong umiiyak siya, gusto ko nang umuwi, kaso alam ko kailangan kong tiisin ang lahat ng lungkot, kasi para sa kanya ‘yung pag-aaral ko.”

Lahat ng paghihirap niya ay nabiyayaan noong April 2018. Nakamtan niya ang kanyang Medical Technology degree. “Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito,” sabi ni Zianne. “That one mistake taught me a valuable lesson. Mahirap, pero worth it.”

Loading...