Mga Lalakeng Sakay sa Pribado na Kotse, Nabangga Matapos Mag-Dirty Finger sa mga Kasabay na Motorista

Ayon nga sa kasabihan, “Huwag gawin sa kapwa mo, ang ayaw mong gawin sayo”. Kasi kapag daw nagtanim ka ng galit at sama ng loob yan din ang aanihin mo, kaya parang gulong lang yan, hindi ibig sabihin nasa mataas na bahagi ka palagi, kaya matuto tayong mapagpakumbaba sa ating kapwa.

YOU MAY ALSO READ:

Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.

“Go home, be home” – Isang CEO Hinangaan Matapos Maghayag Ng Open Letter Patungkol Sa Kanyang Mga Empleyado

May sinasabi ngang “karma” minsan may good at bad karma. Malas mo lang kung bad karma yung mangyari sa buhay mo. Kaya kung ayaw mong may masamang mangyari sayo, huwag kang gumawa ng masama sa iyong kapwa.

Tulad na lamang ng post ng isang babae sa kanyang social media account na ang sabi” Karma is real”, kinilalang si Robby Ann Magno ang may ari ng account, Inilabas lamang ng dalaga ang kanyang sama ng loob sa mga kalalakihan na kanilang na engkwentro sa daan.

Ayon sa kaniyang salaysay, binabagtas nila ang kahabaan ng daan kasabay ng iba nilang kasamahan na naka motor ng ang grupo ng mga kalalakihan na ito na nakasakay sa isang pribadong sasakayan ay naggigitgit sa kanila at biglang papalit palit ng linya o swerving na hindi man lang nagbibigay ng signal o senyales. Lubhang napakadelikado ng kanilang ginagawa kaya nagbusina umano ang kapati ni Magno ng isang beses.

Ngunit imbes na maging ok ay nabigla na lamang sila ng nag d1rty Finger at patawa-tawa pa ang mga kalalakihan sa kanila ng mga kasamahan nya.

Ngunit isang patunay ang pangyayaring ito na ang Karma ay “Digital” na. Dahil matapos bumitaw ang driver na lalaki sa manibela kanilang sasakyan upang makapag-dirty finger pa ng mas maigi (base sa makikita sa video), ay bigla itong nabangga.

Panuorin at basahin ang post ng netizen:

KARMA IS REAL 🤣

Yung ang lakas ng trip nila sa pang didirty finger at pagtawa tawa samin dahil lang sa nabusinahan sila ng isang beses ng kapatid ko dahil sa panggigitgit at biglang pagpapalit ng linya na wala man lang signal.

Ayan! Anong napala nyo? Effort pa na bitawan yung manibela makapang f*ck u lang samin gamit dalawang kamay eh. Babagalan pa talaga nila kahit umiiwas na kaming madikitan sila para iwas gulo. Ayan. 🤣 Bunggo ka tuloy 🤦‍♀️

Okay din talaga yung di mo papatulan sa daan yung mga ganyang siga. Karma mismo ang lalapit sakanila. 🤦‍♀️🤦‍♀️

Loading...