Lalaki, Matapang na Itinanim ang Misteryosong Buto galing Tsina, Kahit Ipinagbabawal Ito ng kanilang Gobyerno.

Naging malakas ang balita sa Estados Unidos na maraming mga tao doon ang nakatanggap ng mga misteryosong padala na galing pa diumano sa bansang Tsina. Sinasabing ang mga padala na ito ay naglalaman ng mga misteryosong buto.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Sa nasabing mga padala, hindi idinideklara ang totoong mga laman nito, ngunit sinasabing ito ay mga “singsing”, hikaw, at mga alahas ang laman. Kaya naging alerto rin ang pamahalaan doon na magbigay ng babala sa publiko na huwag nang buksan ang mga ganuong uri ng padala.

Hindi naman pinahihintulutan ng bansa nila ang pagtanim at pagpapalaki ng mga nasabing buto ng sino man mamamayan na nakatanggap nito. Kung sino man ang nakatanggap ng mga padala na wala namang inorder o binili ay sinasabihan na kailangan nilang e report sa mga kinauukulan at ibigay ang naturang package para mapag aralan.

Isa sa mga nakatanggap ng misteryosong package ay si Doyle Crenshawn, alam niya ang tungkol sa mga babala ng kanilang pamahalaan patungkol sa mga buto na ito, subalit sobrang na curious siya kung ano nga ba ang katotohanan sa likod ng kumakalat na balita at sa mga padalang ito.

Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang magiging bunga ng mga nasabing buto na ito kapag naitanim at napalaki ng maayos. Kaya nagdesisyon siyang palakihin at itanim ang mga butong ito sa kanilang bakuran.

Sa ninais niyang malaman kung ano ang mga butong ito, bumili pa siya ng mga pataba para maging maganda ang pagtubo nito at laking tuwa niya nang makalipas nga ang ilang mga araw ay sumibol ang mga bulaklak nito at nakikita pa niya ang mga patubong bunga. Tila isang kalabasa ang nasabing bunga ng mga butong yaon.

Ipinakita naman ni Doyle sa kanyang social media account ang naging itsura ng kanyang tanim. Maraming mga netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon, may mga humanga at nag-alala din dahil baka may epekto daw ito kapag kinain ang bunga.

Hindi naman naitago ni Doyle ang kanyang ginawa kaya umabot ito sa US Department of Agriculture at agad naman nilang pinadalhan ng mensahe si Doyle na bibisita sila sa kaniyang tahanan upang magsagawa ng test at matukoy ang specie ng naturang bunga.

Ayon sa ahensya, maaring isa daw itong ” brushing scam” ang mga buto na ito na galing sa tsina na kadalasan ay ginagawa upang magkaroon ng mga “fake reviews” sa ilang mga produkto ng ilang mga online shop doon.

Kung sa atin nga ba mangyari ito, tatanggapin nga kaya ito ng mga mamamayang Pilipino?

Loading...