Kilalanin: Isang Pinay at anak ng OFW ang Kauna-unahang Pinay Mayor sa England.

Kakaibang balita para sa ating mag Pinoy ang pagkahirang ng isang Pinay bilang bagong alkalde sa isang lugar sa England, United Kingdom. Kadalasan kasi ay mas lalaki ang niluloklok sa pwesto dahil daw sa deretso itong magbigay ng suhestyon para sa ikauunlad ng bayan.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Ngunit, sa panahon ngayon na isinusulong na ang Women Empowerment, halos naging pantay pantay na lamang ang karapatan ng lalake at babae sa lipunan.

Isang malaking dangal para sa mga Pilipino ang pagka luklok ng Pinay na ito sa kanyang pwesto noong Hunyo 24.

Sa pamamagitan ng isinagawang virtual annual council meeting online, pormal na itinalaga si Councillor Cynthia Barker bilang mayor ng Hertsmere borough, distrito na matatagpuan sa Hertfordshire, England.

Una nang nahalal bilang councillor si Barker noong 2015– siya rin ang kauna-unahanang Pinay na nabigyan ng pusisyon sa administrative district.

Nakaraang taon nang hawakan naman niya ang rekord bilang unang Pinoy na naging deputy mayor sa Hertsmere.

Sa inilabas na pahayag ni Barker sa Hertemere’s website aniya, “While it is disappointing that we weren’t able to mark the moment in the usual way, I am still so proud and honored to take on this role.”

Sabi niya, buo ang kanyang kaalaman sa kahalagahan ng isang alkalde lalo na sa panahon ngayon na puno ng takot at pag-aalala ang marami.

“The mayor serves as a figurehead for the whole of the Hertsmere community and can really help to bring people together,” dagdag niya.

Bilang alkalde, unang plano raw ni Barker ang lumikom ng pondo para sa National Society for the Prevention of Cruelty to Children, isang charity sa UK na tumutulong sa mga batang bikt1ma ng child a buse.

Samantala, tubong San Pablo, Laguna si Barker at anak ng isang overseas Filipino worker sa UK.

Nakapagtapos siya ng Industrial Engineering degree sa Adamson University sa Manila at nagpasyang lumipat sa UK sa tulong ng kanyang ina.

Consultant din ito sa isang immigration law na nagbibigay ng payo sa mga kumpanya, pamilya at ilang indibidwal sa Home Office rules.

Napabilang din si Barker sa 100 Most Influential Filipina Women of the World na kinilala ng Filipina Women’s Network taong 2017.

Loading...