Ito na lamang ang Nag-iisang Probinsya sa Bansa na walang Kaso ng C0VID-19.

Sa padami na padaming bilang ng mga c0vid-19 positive sa bansa, naging kahanga hanga naman ang isang probinsya na ito na natatanging c0vid free sa buong bansa.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Halos araw-araw ay hindi bababa sa 3000-6000 ang bilang ng mga naging positibo at sa ngayon ay nasa 136,638 na ang kabuuan, may 66,186 na active cases at 68,159 total recoveries, nasa 2,294 naman ang nasawi.

Sa datos ng Department of Health (DOH) na pinroseso ng ABS-CBN Investigative and Research Group, lumalabas na sa buong bansa ay tanging ang probinsiya ng Batanes na lang ang nananatiling walang kaso ng C0VID-19.

Sa mga probinsiyang dati’y walang naitatalang coronavirus, Masbate ang may pinakamaraming aktibong kaso ngayon na sinundan ng Sarangani.

Labing tatlong probinsiya din ang tila mas dumami ang bilang ng active cases sa loob lang nang dalawang linggo.

Sa Luzon, ito ay ang Abra, Benguet kung saan karamihan ay mula Baguio City, Kalinga, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Quezon province.

Sa Visayas ito ay ang Samar at Leyte. At sa Mindanao, Sarangani at South Cotabato.

Kaunting kaalaman muna patungkol sa Probinsya ng Batanes:

Ang Batanes ay isang lalawigan sa hilagang Luzon. Ito ay kabilang sa Region 2. Ang lalawigang ito ay ang pinakahilaga sa buong Luzon. Binubuo ito ng mga pulo ng Batan, Sabtang, Itbayat at iba pang mga malilit na pulo. Halos ilang kilometro na lang ito sa bansang Taiwan. Ang Batanes ay isang kakaibang lugar dahil sa kultura at kalikasang tanging kanila lamang

Loading...