Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Kadalasan kapag tinatanong kung ano ang trabaho ng nanay mo, sinasagot kaagad ay “Isang housewife LANG po”. Parang ang baba pakinggan, di katulad ng ibang mga nanay na mga nagtatrabaho sa opisina, o kung saan mang ahensya.

YOU MAY ALSO READ:

Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.

“Go home, be home” – Isang CEO Hinangaan Matapos Maghayag Ng Open Letter Patungkol Sa Kanyang Mga Empleyado

Ang di alam ng karamihan na napakahirap ng trabaho ng isang Ina, walang day-off, walang sahod at minsan wala pang pahinga, di tulad ng ilang mga mister na pagdating sa bahay ay magpapahinga na lang, ang isang Ina, habang may sikat ng araw at may liwanag ang tahanan, di nauubos ang trabahong dapat gampanan.

Ang nakakapanghinayang pa ay lahat ng sakripisyo at trabaho nila sa loob ng bahay ay hindi minsan nabibigyan ng pansin o halaga. At karamihan sa mga tao ay inaakala ang pagiging stay-at-home parent ay madali lamang.

Ngunit meron isang mister na nag bahagi ng kanyang kwento kung paano nya napagtanto kung gaano kahirap ang pagiging stay-at-home parent. Dito nya nakita kung gaano ka laki ang sakripisyo ng kanyang asawa upang manatili sa bahay at alagaan ang kanilang anak at pamilya.

Nag post sya ng mga screenshot ng kanyang asawa at anak na kuha sa kanilang CCTV sa bahay. Sabi nya ay gusto nya palagi pinapanood at tinitingnan kung ano ang ginagawa ng kanyang mag-ina sa bahay.

Dito nya nakita na minsan lang kung makapag-pahinga ang kanyang asawa dahil walang tigil nitong pag-aalaga sa kanilang anak at mga gawaing bahay.

Napapansin nya din na kahit gaano kapagod ang kanyang asawa ay hindi rin ito nag reklamo.

Naglagay pa siya ng isang sweet na mensahe para sa kanyang asawa sa post na kanyang ibinahagi, at ang sabi ay:

Lubos na Lubos ang pasasalamat ko sa aking asawa, hindi ko alam paano nya ginagawa ang mga ito araw-araw. Pero salamat sayo at salamat sa pag-aalaga sa ating anak.

Pinaaalahanan nya din ang iba na meron din asawa at anak na huwag isipin na madaling trabaho ang pagiging stay-at-home parent.

Sa mga tao na pumupunta sa trabaho at umuuwi na nag rereklamo na sila ay pagod na pagod araw-araw huwag nyong isipin na ang inyong mga asawa ay hindi nag din nag tatrabaho, dahil sa katunayan mas mahirap ang kanilang ginagawa ara-araw.  Sana ay mabigyang pansin din ito ng ibang mga mister at bigyang halaga ang trabaho ng kanilang mga asawa. Minsan ay bigyan din sila ng bonggang treat bilang pagpupugay.

Loading...