Gutom na lalaki, Kanin Lamang ang Binili at Humingi ng Tubig sa isang Resto, Binigyan ng Libreng Pagkain ng kanilang Crew.

Talagang likas na matulungin ang mga Pilipino, kahit di ka mayaman ay pwede kang tumulong sa paraang alam mong kaya mo, di lahat ng tulong ay dapat daanin sa malakihang pera.

YOU MAY ALSO READ:

Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.

“Go home, be home” – Isang CEO Hinangaan Matapos Maghayag Ng Open Letter Patungkol Sa Kanyang Mga Empleyado

Ang sakit sa damdamin kapag may nakikita tayong mga eksena patungkol sa mga matatanda at batang napapariwara, inapi at nasa mahinang kondisyon.

Katulad na lamang ng isang crew na mula sa kilalang fast food chain sa bansa, sa kanyang ginawang pagtulong sa pamamagitan ng pagbigay ng libreng pagkain sa isang matandang kanyang namataan na bumili lamang ng kanin at walang ulam dahil sa sobrang gutom.

Isang netizen na kinilalang si Earl Archievan Calixtro ang nagbahagi sa social media ng litrato kung saan napahanga siya sa isang crew ng McDonald’s sa Pampanga.

Nakita ni Earl na tinulungan ng crew ang isang matandang lalaki, halatang halata kasi na pagod at gutom na gutom ang matanda nang pumasok ito sa fast food restaurant. Umupo pa daw si Lolo malapit sa kanya, ngunit nagulat siya ng makitang kanin lamang ang binili nito at humingi lamang ng isang baso ng tubig.

Hindi naman nagdalawang isip na mag alok ng tulong ang netizen na ito at agad niyang kinausap ang matanda kung gusto pa nitong kumain, ngunit sagot ng matanda ay wala na itong perang pambili kaya kanin na lamang ang inuna niya para magkalaman ang kanyang sikmura.

Nasorpresa nalang bigla si Earl nang makitang mayroon nang pagkain ang matanda, binigyan pala ito ng isang crew ng pagkain ng umalis si Earl para bilhan sana ito.

Ang nabili namang pagkain ni Earl ay pinabaon niya na lamang sa matanda. Laking pasasalamat at paghanga naman ni Earl sa mga staff at crew ng nasabing fast food resto sa San Fernando Pampanga dahil sa kanilang pinakitang kabutihan sa matandang lalaki.

Sa nalaman ni Earl, taga Tacloban pala si tatay at nagbabakasakaling makahanap ng trabaho sa Pampanga kaya bumiyahe ito, ngunit tila hindi naging maganda ang kanyang sitwasyon doon lalo pa’t nasa gitna tayo ng pandemya. Dagdag pa ni Earl, sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa ating bansa , patuloy pa rin tayong maging mabuti at gumawa ng magagandang bagay para sa ating kapwa.

Loading...