Empleyado ng Mall, Nakapagpatayo na ng Sariling Bahay sa edad na 26-anyos.

Isa sa mga basic needs ng tao ay ang pagkakaroon ng tirahan upang kanilang maging proteksyon sa init at ulan, ngunit kadalasan sa atin ay nagrerenta lamang at walang naipundar na sariling tahanan.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Kaya marami ang humanga sa isang empleyado ng mall na sa kanyang batang edad na 26-anyos ay nakapagpatayo na ito ng sarili niyang bahay.

Ilan sa mga taong nasa edad na ito ay nagsisimula pa lamang na maging regular sa kanilang trabaho, minsan yung iba ay underemployment pa at hindi regular ang kinikita.

Bunso siya sa kanilang pitong magkakapatid, siya ay si Naz Arene mula sa Nueva Ecija at marami ang bumilib sa kanya, nagtatrabaho siya sa isang fashion boutique sa Maynila at kailanman ay hindi pa nakaranas magtrabaho abroad.

Ibinahagi niya ang kanyang kwento sa Lovely House Designs upang maka-inspire sa maraming nagnanais na magkaroon ng sariling bahay.

Sariling sikap at sakripisyo sa pag-iipon ang kanyang ginawa upang mabigyan ng maayos na tirahan ang kanyang mga magulang na pawang mga senior citizen na.

Sinimulang gawin ang bahay nitong Enero ng kasalukuyang taon at pansamantalang nahinto nang mailagay sa enhanced community quarantine ang karamihang bahagi ng bansa dahil sa paglaganap ng C0VID-19.

Hunyo nang maipagpatuloy ang paggawa ng kanilang tahanan na pintura na lamang ang kulang. Mayroon itong tatlong kwarto at isang palikuran kaya naman masasabing may kalakihan din ang kanyang nagastos dito. Balak pa niyang palagyan ito ng ikalawang palapag ngunit pag-iipunan niya pang muli ito.

Sa ngayon, halos ₱900,000 na ang nagastos niya rito. Napakasarap daw talaga sa kanyang pakiramdam na sa kanyang murang edad ay nakapagpundar na siya at hindi pa niya kinailangang lumayo ng husto sa kanyang pamilya para lamang maisakatuparan ito.

Sana raw ay maka-inspire ang kanyang kwento ng tagumpay sa iba at patunay lamang ito na walang imposible sa taong naniniwala sa sarili niyang kakayahan ay may tamang timpla ng determinasyon sa pag-abot ng mga pangarap niya sa buhay.

Habang ang ilan ay mabilis na nakakapagpundar ng sariling bahay dahil sa pag-aabroad, ang ilan naman na nananatili sa bansa ay naisasakatuparan pa rin ang mga simpleng pangarap para sa kanilang pamilya nang di lumalayo sa kanila.

Loading...