Christine Reyes, Umiyak Nang Mapag-Usapan Ang Ginawa Ng Kaniyang Asawa

Hindi na iba ang mga sitwasyong hiwalayan sa mga artista, marami na kasi sa kanila ang nasasangkot sa hiwalayan at parang ang dali lang magdesisyon sa kanila na gawin ito.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Kung matatandaan ay isa sa mga hinahangaang couple noon ang mag asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi, ngunit nabigla ang kanilang mga taga hanga at taga subaybay ng biglang binalitang maghihiwalay na ang dalawa.

Mayroong isang malalim na di pagkakaunawan sa kanilang dalawa na siyang naging dahilan sa tuluyang paglayo nila , subalit nanatili sa piling ni Cristine ang kanilang anak na si Amarah.

Walang lumabas na kung ano mang dahilan ng kanilang paghihiwalay, kung ano nga ba ang tinutukoy nitong malalim na dahilan, naging tikom ang bibig ng aktres at mas piniling sarilinin ang dinaramdam na problema.

Sa ngayon, matapos ang ilang buwang naging usap-usapan ang kanilang issue ay mukhang unti-unting nang naghihilom ang sugat ni Cristine. Tanong ng ilan ay kung handa na ba itong ilahad ang rason ng kanilang paghihiwalay.

Pinaunlakan ni Cristine ang isang paanyaya ni Boy Abunda sa kanyang talkshow, Ininterview siya ni Boy patungkol sa kanyang nalalapit na move na “Untrue” kasama si Xian Lim, hanggang sa mapag usapan ang kanyang personal na buhay at kung naka relate ba siya sa gagawing movie.

Hindi niya napigilang maging emosyonal sa mga tanong ni Tito Boy, kung ito raw ba ay base sa kanyang personal na karanasan. Ani Cristine, Marami na siyang na encounter na taong nagsinungaling sa kanya dahil sa iba’t-ibang rason. Dahil dito, mas pipiliin ng aktres ang malaman ang katotohanan kahit na masakit.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang pait na nararamdaman, ang mabisang gawin ay bukas sa loob mo itong tanggapin at mag move-on dahil may taong nakalaan para sa ating lahat, na silang magbibigay ngiti at papawi ng hapdi ng ating nakaraan.

Loading...