Bunsong Kapatid, Nagulantang nang Malaman kung Saan Papunta ang mga Inutang sa kanya ng Ate Nya.

Ayon nga sa kasabihan, blood is thicker than water, kahit ano pa mang away o sakitan ng loob ang nangyayari sa inyo, sa huli kayo pa rin ang magkakampi. Wala naman yatang perpektong pamilya sa mundo na hindi nakadanas sa mga ganitong sitwasyon na nag-aaway ang miyembro ng pamilya.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Ngunit kahit anong mangyari, mananatili pa rin ang relasyon nyu sa isa’t isa at kusang magkakapatawaran at muling magkakaintindihan, sino pa nga ba ang tutulong sa iyo? kundi ang sariling pamilya mo.

Kaya naging kahanga-hanga ang estorya ng magkapatid na ito na tiyak ay kapupulutan ng aral. Bihira ang ganitong mga scenario sa mga magkakapatid.

Nagtrending sa social media ang conversation ng dalawang magkakapatid kung saan sa huli ay nagulat ang bunsong kapatid sa kanyang mga natuklasan tungkol sa mga inutang na pera ng kanyang ate sa kanya.

Marami ang pumuri sa panganay na babae dahil sa kakaibang ginawa nito upang matulungan ang bunsong kapatid na nalayo sa kanila dulot ng kanyang trabaho.

Makikita sa mga screenshots ng kanilang pag-uusap, kapansin pansin ang palagiang paghiram ng pera ng matandang kapatid.

Noong una ay pinalagpas lamang ng nakababatang kapatid ang panghihiram ng kanyang ateng guro ngunit kalaunan ay unti-unti na itong nainis sa tila nakasanayan nang gawain ng nasabing kapamilya.

Hindi alam ng bunso, mayroon palang lihim na ginagawa ang kanyang ate, ito ay ang paglaan ng mga perang inutang niya sa kanyang bunsong kapatid , pagpapanggap lang pala na manghiram siya ng pera sa kanilang bunso, subalit ang katotohanan dito ay tinatago niya ang pera nito.

Nang sinabi na ng kanyang ate ang buong katotohanan,halos hindi makapaniwala ang inutangang kapatid na sa bawat singkong kunwari ay hiniram sa kanya, ay mismong kapakanan pala nya ang inaalala ng panganay na hindi naman talaga gipit sa pera.

Hindi inakala ng bunsong kapatid na lahat pala ng perang hiniram nito sa kanya ay inipon lang ng kanyang ate para mismo sa kanya upang may magamit syang panggastos sa panahon ng kagipitan.

Talaga ngang kakaiba ang paraan ng kanyang ate na hinangaan naman ng mga mambabasa, ang hirap kasi kitain ng pera, pero ang bilis lang nitong mawala sa ating mga bulsa.

Narito ang kanilang buong pag-uusap:

Loading...