Babae, Na Touched sa Pagiging Gentleman ni Kuya Matapos i-offer ang Damit Pantakip sa Hita niya para di Masilipan

Naging malaking isyu sa panahon ngayon ang paraan ng pakikitungo ng mga kalalakihan sa mga kababaihan, ayon sa ibang mga lalake, ang paggalang di umano sa mga babae ay nakabatay rin sa kung paano nila dinadala ang kanilang sarili sa publiko, sa uri ng kanilang pananamit,pagsasalita at iba pa.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Isang debate na kinasasangkutan ng anak ng Mega Star na si Frankie at ang kilalang Personalidad sa Radyo at Telebisyon na si Sir Raffy Tulfo, naging mainit ang kanilang sagutan patungkol sa gender issue na ito.

Sa panahon kasi ngayon tila iilan na rin lang ang mga lalaki na masasabi nating gentleman, minsan may mga makakasabay tayo sa sasakyan, sa mga daanan na hindi man lang makapagbigay espasyo at serbisyo sa mga kababaihan na nangangailangan ng tulong.

Sa 100 na lalake marahil nasa 20 lamang ang masasabi nating gentleman, at ang isang netizen na ito ay maaaring kabilang sa nasabing porsyento.

Mula sa karanasan ni Clong clong, kanyang ibinahagi ang nakakamanghang aksyon ng isang lalaki na kanyang nakasabay umano sa jeep.

Ayon sa kwento ng netizen, habang nakaupo siya sa sinasakyang jeep ay mayroon isang lalaki na umupo sa kanyang harapan at habang nasa byahe sila ay nagulat na lamang siya nang biglang i-offer ng misteryosong lalaki ang kanyang uniform para pantakip sa kanyang hita upang hindi siya masilipan.

“Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw.” pagbabahagi ni Clong Clong.

Ayon kay Clong Clong, naka dress siya noong oras na iyon ngunit hindi naman ito kaiksian at above the knee lang ito kapag nakatayo kaya hindi naman ito panget tignan.

“Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo.” ayon pa ito kay Clong Clong.

Pagsasalaysay ni Clong, tinanggihan niy daw ang offer ng lalaki at sabay humingi ng pasensya na kanyang aayusin na lang ang kanyang pag upo, pero mas iginigiit ng lalaki na tanggapin ang alok nitong kunin ang kanyang uniporme para takpan ito, na tila nagpapakita ng concern sa kanya na bihira na lamang ginagawa ng ilang mga kalalakihan.

“At first tumanggi ako at nag sorry sabi ko tatabingi nalang ako ng upo but he insist na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob.

Dahil sa pagbabahaging ito ni Clong Clong sa kanya social media account ay inulan ng mga positibong reaksyon ang ginawa ng lalaki mula sa mga netizen.

Mayroon pa bang ganitong uri ng lalaki sa mga lugar ninyo?

Loading...