Anak ng Magsasaka, MASWERTENG Nakapag-aral ng LIBRE sa Harvard University.

Ayon sa iilan, ang kahirapan ay isang balakid para magtagumpay sa buhay, pero para naman sa mga taong may pangarap sa buhay ito ay isang inspirasyon para magpursige na makamtan ang inaasam na tagumpay. Totoong malaking balakid ang kahirapan, pero hindi dapat magpatalo dito, bagkus magsikap para ito ay malabanan.

YOU MAY ALSO READ:

Homeless Man: Binigyan ng Bahay at Trabaho bilang GANTIMPALA sa Pagsauli ng Pitaka na may Lamang Limpak-limpak na Salapi.

Matanda, Pinapababa sa Jeep dahil sa Amoy nito, Ngunit NAHIYA sila ng Malaman ang Kwento ni Tatang.

“Go home, be home” – Isang CEO Hinangaan Matapos Maghayag Ng Open Letter Patungkol Sa Kanyang Mga Empleyado

Kaya tulad ng isang anak ng magsasaka, hindi naging imposible sa kanya na makapag-aral sa isang prestihiyosong paaralan sa ibang bansa. Nagmula sa isang mahirap na pamilya si Romnick Blanco at napahanga ang mga kanyang kakilala matapos mabalitaan na siya ay nakapasa sa admission test ng Harvard University.

Si Romnick ay pampito sa kanilang magkakapatid at ang kanyang pamilya ay mula sa Bulacan, simpleng pagsasaka lamang ang pinagkukunan ng kanilang pamumuhay sa araw-araw. Mahirap man ang kanyang pamilya, ngunit hindi ito naging hadlang upang makamtan niya ang kanyang mga pangarap.

Di alintana ni Romnick ang malayong paglalakad at pagtawid sa ilog para makapasok sa eskwelahan at hindi malampasan ang kanilang mga subject, naging masipag siya at dedikado sa kanyang pag-aaral.

Napansin si Romnick ng Green Earth Heritage Foundation noon taong 2011 at nais siyang bigyan ng pagkakataong makapag-aral. Isa itong foundation kung saan nagbibigay tulong sa mga anak ng mahihirap na magsasaka upang mabigyan sila ng mga English at computer literacy classes, mayroon din silang allowance para may ipangbayad sa mga gastusin sa eskwela.

Dahil sa kanyang pinamalas na kasipagan at katalinuhan sa pag-aaral, naging mataas ang kanyang grado kaya binigyan siya ng scholarship noong high school para makapasok sa International School Manila. Naging masipag siya at hanggang maka graduate noong taong 2017.

Ngunit hindi rito nagtatapos ang kanyang magandang sinimulan, noong magkolehiyo siya ay nakapasa siya sa mga prestihiyosong kolehiyo sa ibang bansa tulad ng Darmouth College, Wesleyan University, New York University at sa Harvard University na kung saan naging libre ang kanyang edukasyon.

Dahil sa dami ng kanyang naipasang Paaralan nahirapan siyang pumili, pero nanaig ang kanyang kagustuhan na mag-aral sa Harvard University. Talagang malaking blessings para sa kanyang pamilya ang kanyang narating, dahil sa kanyang sipag at determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral, hindi naging hadlang kay Romnick ang kahirapan, naway maging insiprasyon siya sa ibang kabataan na magpursige para labanan ang kahirapan

Loading...