Tindero ng Ice Drop, Nakapundar ng Sariling Bahay, Sasakyan, Computer shop at mga Paupahan.

Lahat tayo ay may magandang pangarap para sa ating pamilya, ang mabigyan sila ng komportableng pamumuhay at makapasyal sa ibang bansa.

YOU MAY ALSO READ:

Ginang, Naipit ang Ulo sa Gate ng Kapitbahay dahil sa Kagustuhang Maka Sagap ng Chismis.

Mag-Ingat po! Buong Pamilya Nalason Umano Pagkatapos Kumain ng Itlog na Maalat .

Isang Inang May Sakit, Natagpuan sa Ilalim ng Lababo matapos Iniwan ng mga Anak at Naglipat ng Bahay.

Kung kaya pinag-iigihan ng mga kabataan sa ngayon na makapagtapos ng pag-aaral dahil ito daw ang susi ng pag asenso sa buhay.

Maging masipag at madiskarte din sa buhay dahil ito rin ang mga ugaling magdadala sa iyo sa magandang buhay.

Si Emmanuel Jagmis ay nagsilbing inspirasyon sa karamihan dahil sa kanyang kasipagan kaya natupad niya ang kanyang pangarap, nagtitinda si Emmanuel ng homemade ice drop at binebenta.

Naging trending pa ito sa social media ng ibinahagi ni Emmanuel ang kanyang mga pinagdaanang hirap para lang maabot ang kanyang mga pangarap.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Emmanuel na halos tatlong dekada na siyang nagtitinda ng kanyang homemade ice drop at mabenta umano ito sa mga bata dahil nasa tapat ng paaralan ang kanyang puwesto.

Ibinida din ni Emmanuel ang bunga ng kanyang pagtitiyaga sa pagbebenta ng ice drop na kung saan ay nakapag-patayo siya ng sariling paupahan, computer shop, tindahan at nabili din niya ng isang bagong sasakyan ang kanyang mga magulang.

“Share ko lng ang istorya ng aking homemade icedrop na mahigit tatlong dekada ng mabili sa mga bata dto sa aming lugar at masuerte ako dahil tapat ako ng isang elem skul napakalaki ng tulong nito sa ekonomiya ko (nakapatayo ako ng mga paupahan, nagkaron ng computer shop)at ngaun awa ng dios ang matagal ko ng pangarap ang magkaroon ng sasakyan.” ayon kay Emmanuel

Iniipon ni Emmanuel ang araw-araw na pinagbentahan niya ng ice drop sa isang plastik at ibinida pa nito umano na kapag may tiyaga ay mayroon nilaga.

Ayon pa kay Emmanuel, hindi umano nasusukat sa laki ng sahod ng isang tao ang pag-asenso sa buhay kung hindi naka-base raw ito sa pagsisikap, pagtitiyaga sa pag-iipon ng pera at pagiging matipid sa mga gastusin.

Maraming netizens ang namangha sa ginawang pagbabahagi ni Emmanuel sa kanyang pagiging madiskarte sa buhay kung kaya naman kaliwa’t kanan ang mga tanong ng mga tao kung ano ang kaniyang recipe sa ginagawang homemade ice drop at nagbabakasali na maiahon din sa kahirapan ang kanilang pamilya.

Loading...