Sikat na Singer, Nakatakdang Makul0ng Dahil sa Kasong Tax Evasion.

Hinatulan ang sikat na OPM at jukebox queen na si Claire dela Fuente ng pagkakulong ng pitong taon ayon sa Court of Tax Appeal (CTA) dahil sa kasong tax evasion.

YOU MAY READ ALSO:

Nag Ampon Sila ng Bata Mula sa Tsina, Ngunit Nagtaka Sila Nang May Makitang Pamilyar Na Mukha Sa Kapitbahay

Dating Nagsasahod ng 30 Pesos Lang, Ngayon nasa 1.5 Milyon na kada Buwan dahil sa Larong ML

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Sa 205-pahinang desisyon na inilabas ng CTA, inaatasan rin si Dela Fuente na magbayad ng P350,000 multa nang mapatunayang hindi nagbayad ng P165 milyong income tax mula 1998 hanggang 2004 nang siya pa ang namamahala sa Philippine Corinthia Liner Corporation.

Bukod dito, pinagbabayad pa ng karagdagang P700,000 multa ang PCLC dahil sa parehong dahilan ng hindi pagbabayad ng buwis mula 1998 hanggang 2004 gayung naparehistro lamang ang kumpanya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Enero 27, 2005 na paglabag sa National Internal Revenue Code.

“No physical returns were actually filed by the accused PCLC for the previous years. More than that, the returns they presented to give the impression that they were filed were, in truth, spurious,” ayon sa desisyon ng CTA.

Binigyang-diin rin ng korte ang pag-amin ni Dela Fuente na naparehistro lang niya sa BIR ang kumpanya noong 2005 at binigyan siya ng awtoridad na siyang humarap sa lahat ng claims laban sa PCLC kabilang ang mga sinisingil ng gobyerno.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang depensa ng PCLC na hindi sila nagkaroon ng operasyon mula 1998 hanggang 2004 dahil sa mga sertipikasyon ng BIR.

“Likewise, the CTA junked the defense’s claim that PCLC did not have business operations from 1998 to 2004, citing certifications made by the BIR in those years.”

Loading...