Sanggol, Diumano’y Nawalan Ng Paningin Dahil Sa Flash Ng Cellphone Camera

Hindi mapigilan minsan ng mga magulang na kunan ng litrato ang kanilang mga sanggol kapag bagong panganak ito bilang kanilang magandang ala-ala kapag sila ay luamki na.

Sa sobrang tuwa at giliw sa kanila, kinukunan sila ng litrato upang maging memories. Ngunit, alam niyo ba na ang flash ng camera at iba pang mga gadgets ay maaaring makasanhi ng kapahamakan sa mga sanggol?

Marahil ay hindi pa alam ito ng karamihan sa atin na may dala palang pangan1b ang pagkuha ng litrato na naka on ang flash nito.

Isang bagong panganak na sanggol sa China ay nabulag ang isang mata matapos ang isang kaibigan ng pamilya nito ay kinunan ito ng larawan. Ang nasabing kaibigan ay hinawakan ang kaniyang cellphone, ten inches ang layo mula sa sanggol dahil nais niyang kumuha ng mas malapit na litrato sa bata.

Sa kasamaang palad, ang kaibigan na ito ay nakalimutan na patayin ang flash ng kaniyang camera at kinunan ito ng larawan. Sa mabilis na sandali, ang mga magulang ng sanggol ay napansin na parang mayroong kakaiba sa paningin ng kanilang baby matapos ang pagkuha ng larawan. Ang kwento ay naitampok sa People’s Daily Online.

Ang masaklap pa dito, ay ang kaliwang mata ay nabawasan ang paningin habang ang kanang mata naman ay nabulag na ng permanente. Ayon sa doctor, ang flash ng camera ay ang naging sanhi ng permanenteng pinsala sa macula ng sanggol.

Kapag ang bata ay umabot ng apat na taong gulang, ang mga pinsala ay maaaring maapektuhan ang macula na nagiging sanhi ng pagkapinsala ng central vision.

Ayon sa mga eye experts, ang mga sanggol ay mahihina pa sa malalakas na ilaw, at dapat ding tandaan na dapat hindi lamang ang flash ng camera ang patayin kung hindi pati na rin ang matinding ilaw na nagmumula sa banyo tuwing pagligo ng mga bata.

Ang mga magulang naman ng bata ay wala pa ding pahayag na inilalabas kung kakasuhan ba nila ang kaibigan na naging sanhi ng isang nakakasakit sa damdamin na pangyayari sa bata.

Loading...