Netizen, Kinilabutan ng Makita ang Pangalan ni Jesus sa Pamamagitan ng Kidlat.

Talaga ngang may mga mahihiwagang pangyayari na hindi natin inaasahan, ito nga ba ay may nais ipahiwatig? o mga nagkataon lamang?

Katulad ng isang viral photo nitong mga nakaraang araw, patungkol sa litratong nakunan ng isang netizen noong magkaroon ng malakas na kulog at kidlat sa Nueva Ecija.

Nalamang mga nasa bandang alas-8 ng gabi ng makunan ang nasabing larawan, isang kakaibang thunderstorm ang namataan sa Brgy. Balingog East sa Guimba.

Nabighani ang isang netizen na kinilalang si Jesstine Mateo Nilo sa biglaang pagkidlat kaya kinunan niya ito ng video.

Matapos niyang makuhaan ng video, pinagsama-sama niya ang screenshot at nabuo niya ang pangalan ni “JESUS”.

“I had the chance to witness last night’s breath-taking thunderstorm. First time ko makakita ng tuloy-tuloy na pagkidlat,” aniya.

“Since wala namang ulan, I had the opportunity to record it. Upon reviewing the video kanina, napansin ko itong mga ‘to, so I compiled them,” dagdag niya pa.

Samantala, maging ang ibang mga netizens ay nabighani rin sa pangalang nakita ni Jesstine lalo na ngayong may COVID-19 crisis na hinaharap ang bansa ngayon.

“Wow! Its a Miracle really.!JESUS moves in mysterious way…!”

“its beyond beauty thank you Lord for keeping us all safe everyday.”

“Jesus is the only way for us to be saved”

“What an amazing coincidence.Talagang may ibig ipahiwatig na mensahe yan… Wisdom mga kristohanon…”

“In any way possible, HE always reminds us, his children, that he exists and that he is coming soon. May God bless us all.

Loading...