Negosyante,Agaw Pansin dahil sa Pinagawang Gold Face Mask na may 1kilo ang Bigat.

Bilang pagtugon sa panawagan ng pamahalaan na sundin ang new normal na uri ng pamumuhay para mabilis na ma resolba ang mabilisang pagkalat ng c0vid-19 sa buong bansa, tinatawagang pansin ang lahat na sumunod sa panukala ng pamahalaan, ito ay ang pagsuot palagi ng facemask kapag lumalabas, pag maintain ng social distancing at palagiang paghugas ng kamay.

Ito ay panukala na halos sinusunod ng ilan ding mga bansa na apektado ng pandemya, ngunit talagang may mga umaangat pa rin sa mga ganitong usapin, lalo na yung mga mayayaman, mas gumagawa sila ng kakaibang mga style ng face mask para maging kakaiba sa lahat.

Kaya’t naging agaw pansin sa social media ang isang negosyante mula sa India, dahil bilang pag-iingat sa kumakalat pa ring C0VID-19 pandemic, isang lalaki ang gumastos pa ng halos $4,000 (o P197,448) para makapagpagawa ng gold face mask.

Ayon sa businessman na si Shankar Kurhade, 49, may bigat na 60 grams ang naturang face mask na tinapos pa sa loob ng walong araw.

Kahit hindi raw siya sigurado kung epektibo ang paggamit nito, ginagawa naman daw niya ang iba pang pag-iingat sa virus.

Sa tuwing lumalabas, bukod sa mga suot na gold jewelry gaya ng kwintas, bracelet at singsing ay masaya raw niyang suot ang kanyang halos 1 kilong bigat na face mask.

Kwento ni Kurhade, marami raw ang nagpapa-picture sa kanya sa tuwing lumalabas dahil tila namamangha raw ang mga tao sa suot na mask.

Maging sa palengke ay pinagtitinginan daw siya ng mga mamimili.

Samantala, naitala naman ang India na mayroon nang 650,000 kaso ng C0VID-19 at mahigit 18,600 bilang ng mga nasawi.

Loading...