Morisette, Nabugb0g daw ng Ama dahil Pinakilala nito ang 29 y.o niyang Boyfriend

Naging tanyag ang pangalang Morisette Amon sa larangan ng pag-awit dahil sa napakaganda nitong boses, isa siya sa mga kilalang mang-aawit ng ABS-CBN Network.

Hindi lamang sa bansang Pilipinas, kundi naging sikat at kilala rin si Morisette sa ibang bansa. Malayo na ang narating ng karera ni Morisette kaya ang kanyang pangalan ay nakatatak na sa isipan ng mga mamamayan.

Katulad din ng ibang mga mang-aawit, may mga problema ring kinakaharap si Morisette at isa na rito ay ang isyu na kinasasangkutan ng kanyang pamilya.

Nagsimula ang nasabing isyu ng nakipagdate ang 25 years old singer sa isa rin kapamilya singer na si Dave Lamar na nasa edad 29.

Naging batchmate ni Morisette itong si Dave sa The Voice, pero nag iba naman ang kanilang landas dahil masyadong naging busy si Morisette.

Pero nagkaroon sila ng pagkakataong magkasamang muli at ngayon ay masayang nagkikita kahit pa man may mga isyu sa kanila.

Ayon sa isang source, Ang Ama ni Morisette ay hindi daw pabor sa relasyong pinasukan niya. Makikita daw sa tweet ng ama nito na binabash ang dalawa.

Dagdag pa ng source ay pinagdududahan ng Ama ni Morisette na ginagamit lang umano ni Dave ang kasikatan ni Morisette para mapagtuonan din ito ng pansin.

Isang araw daw ay pinakilala ni Morisette si Dave sa kanyang pamilya, at imbes na isang masayang pagkikita ay nauwi sa kaguluhan.Di umano ay sinampal si Morisette ng kanyang Ama, matapos ang isang mainit na argumento kung saan pinagtanggol ni Morisette si Dave sa kanyang Ama dahil sa masasamang salita nito.

Kaya hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na sagot si Morisette patungkol sa kumakalat na isyu.

Loading...