Mga Netizens Nawindang sa Regalong Bouquet na Pera na Natanggap ni Nanay, nag Viral sa Social Media

Isang post sa social media ang naging agaw pansin na naman dahil sa bukod tanging regalo na matatanggap ng isang tao tuwing may selebrasyon. Talaga nga namang kakaiba at hindi ordinaryong regalo ang natanggap ni nanay, isang bouquet na gawa sa pera na nagkakahalagang P72k plus may kasama pang chocolates at bulaklak.

Ang post na ito ay nasilayan sa BFC Flower and Gift surprise, ng kanilang ibinahagi sa social media ang kakaibang bouquet, marami ang nagreak at natuwa sa nasabing regalo kaya mabilis na nagtrending ito.

Umani ng magagandang reaksyon at komento mula sa mga netizens na nakapansin ng naturang post, napaka swerte daw ni nanay at talagang mahal na mahal siya ng nagbigay, subalit hindi naman nakaligtas sa mata ng mga negatibong tao ang litratong ito dahil ayon sa kanila, may ibang intensyon daw ang nagbigay nito. Maaaring may nagawang malaking kasalanan daw kay nanay kaya heto ang paraan niya para mapatawad, ayon sa iba ay pasikat naman daw ito.

Ngunit ang hindi alam ng iba ay mula sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang bouquet ng mga pera at regalo niya ito sa kanyang ina na si Simeona Baccate ng Gen. Natividad, Nueva Ecija.

Ayon sa post, si Ms. Lorenjane ang OFW na nasa Japan ang nasa likod ng nakakabilib na supresang ito. Bukod sa bouquet ng pera, umorder din ito ng chocolate bouquet, flower bouquet, fruit basket, cakes, chocolate box, teddy bear at Anlene milk.

Si Nanay Simeona ay 72 years old na kaya nagkakahalagang P72k rin ang bouquet.

Walang katumbas na halaga ng pera ang pwedeng maisukli sa pagmamahal na ibinigay ng isang Ina, kaya kung ano man ang natanggap ni Nanay sa kanyang kaarawan, lahat ng ito ay deserved niya at ang mahalaga ay naging masaya siya sa kaarawan niya.

Loading...