Matandang Tindero ng Lemon, Niloko at Binayaran ng Pekeng Isang Libong Piso.

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang problemang kinakaharap, lalo pa sa panahon ngayon ng pandemya. Marami ang nawalan ng hanapbuhay at kanya-kanyang sariling diskarte na lamang para may pantawid sa araw-araw.

Ngunit kahit gaano man kahirap, mas masarap pa rin lasapin ang mga bagay na naabot galing sa ating sariling pagsisikap.

Nakakadurog ng puso ang isang estorya na ibinahagi mula sa isang Facebook page na Pilipinas Trending Viral, kung saan si Manong na nagtitinda ng lemon sa bangketa ay na biktima ng binayaran siya ng pekeng pera.

Talamak talaga sa panahon ngayon ang mga taong manloloko, mga scammer at hindi nga nakaligtas si manong sa mga taong gaya nito. Kung sino pa nga yung matanda na at nagtatrabaho ng marangal ay yun pa ang kanilang nabibiktima.

Hindi man lang nakaramdam ng konsensya yung taong gumawa nito sa kanya , nagtitinda daw si manong sa may Espanya, Maynila at ang bumili sa kanya ay nakasakay pa sa isang kotse.

Imbes na pandagdag kita pa ni manong yung ibinenta sa kanya ay parang ninakawan pa ito, dahil ang inabot sa kanya ay isang libong peso na peke pala.

Dumayo pa raw mula Taytay Rizal patungong Maynila para lamang makipagsapalaran at makapag-hanapbuhay, ngunit hindi pala ganuon ang kanyang maging kapalaran sa kanyang paglalakbay.

Ayon naman sa mga netizen ay sana mahuli yung taong naka-kotse at nanloko sa Tindero, sana matulungan daw ni Sir Raffy Tulfo.

Loading...