Makabagbag damdaming Mensahe Ng Pari Sa Para Sa Mga Bagong Kasal, Nagpaiyak Sa Lahat Ng Bisita

Isang mahalagang parti ng buhay ng bawat tao ang pagpapakasal sa kanyang kabiyak, upang maging maginhawa at masaya ang inyong pagsasama, mas mabuting makilala nyo na ang isa’t-isa.

 

YOU MAY ALSO READ: 

Probinsyano ni Coco Tatapusin na sa Setyembre; Susan ayaw ‘Makulong’ ng 1 Buwan ,Kaya Hindi na Nagtaping pa.

7-anyos na Bata, Pumanaw Matapos Kumain ng Fried Chicken na Inorder Online

Cebu Town Mayor’s Testimony: CoVID-19 Walang Laban sa “TUOB” o Steam Therapy

Mas mabuti kung tanggap mo at alam mo ang kanyang mga weaknesses, ang kanyang mga nakaraan at gayundin ang pamilya nito.

Mahalaga ang parti ng bawat pamilyang kinagisnan mula sa dalawang magkabiyak, dapat ay tanggap ng bawat isa sa kanila ang kanilang pamilya. Dahil minsan, isa ito sa mga rason kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa kapag nakikialam ang bawat pamilya.

Isang seremonya ng pari ang lubusang tumatak sa mga bisita at ikinasal, ayon sa pari, Ang pagpapakasal sa taong gusto mong makasama habang buhay ay nangangahulugan din na pagpapakasal sa kaniyang buong pamilya, kinakailangan mo din magbigay ng effort para sa pamilya iyong asawa at mahalin sila katulad ng pagmamahal na ibinibuhos mo sa iyong asawa.

Sa isang video clip na nag-trending sa iba’t ibang socmed platform, maririnig na sinabi ng pari na:

“Kahit sila ay masaya para sainyo, ay may kirot sa kanilang puso. Sapagkat ang kanilang anak nasa harapan nila, pinag-aral, binigyan ng magandang bukas sa kabila ng hirap ng buhay. Hindi pa sila nakakabawi, nag-asawa na. May sarili nang prioridad ngayon. Pero ito ay tanggap nila.

Matapos marinig ng mga bisita at ng mga dumalo ang sinabi ng Pari, ang ama naman ng bride ay nagsimulang maging emosyonal. Ang kaniya ding mga luha ay nagsimulang bumuhos dahil ang kaniyang anak ay malalayo na sa kanila dahil tio ay magsisimula nang bumuo ng sariling pamilya.

Ayon pa sa pari na ang mga bagay na ito ay ang ilan lamang sa maraming bagay na maaaring maibigay ng isang magulang para sa kanilang mga anak.

“Kaya ngayon, kayo ay kayo. Kaya may kasal ngayon. Anumanangmarating pa ninyo sa habang panahon, it is all because of the love of your parents.”

Sinabi din ng pari na ang pagmamahal sa manugang ay isa sa mga paraan para mahalin ka pa lalo ng iyong asawa.

Makikita naman sa dulo ng video na niyakap ng mag-asawa ang kanilang mga magulang habang ito ay nagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa lahat ng bagay na kanilang ginawa para sa kanila.

Loading...