Magkasintahang may Edad na 93 at 51, Naging Emosyonal sa kanilang Kasal.

– Ikinasal pa rin ang 93 anyos na lalaki at 51 anyos na babae na 11 taon nang magkasintahan

– Ikinumpisal ng lolo ang pagsasama nila ng kanyang kasintahan na wala pang basbas ng simbahan

– Ito ang naging daan upang sila ay makasal at gawing tama sa mata ng Diyos ang kanilang pagsasama

-Emosyonal ang dalawa nang makarating sa altar.

YOU MAY ALSO READ:

Ginang, Naipit ang Ulo sa Gate ng Kapitbahay dahil sa Kagustuhang Maka Sagap ng Chismis.

Mag-Ingat po! Buong Pamilya Nalason Umano Pagkatapos Kumain ng Itlog na Maalat .

Isang Inang May Sakit, Natagpuan sa Ilalim ng Lababo matapos Iniwan ng mga Anak at Naglipat ng Bahay.

Naging trending ngayon sa social media ang larawan ng dalawang taong nagmamahalan sa kabila ng agwat ng kanilang edad. Isang 93 anyos na lalaki at 51 anyos naman ang babae, bago ang kanilang kasal ay magkasintahan na sila sa loob ng 11 na taon.

Kahit ganito kalayo ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan, ika nga walang pinipiling panahon, itsura, edad at kalagayan sa buhay ang taong wagas kung magmahal.

Ayon sa Facebook page na “The Freeman”, napag-alaman ng simbahan ang relasyon ng dalawa matapos ikumpisal ni lolo Alfonso Flores ang pagsasama nila ng kanyang kasintahan na si Elena Besabella sa iisang bubong kahit na hindi pa sila kasal.

Masaya ang dalawa dahil sa wakas matutupad na ang kanilang pangarap na kasal sa tulong na rin ng kanilang simbahan.

Umabot sa 11 taon ang kanilang relasyon at noong Nobyembre 5 ay naganap ang kanilang emosyonal na pag-iisang dibdib na pinamunuan ni Rev. Fr. Michael Hisoler.

Loading...