Ma, uwi ka na ng Pinas, Ako naman MAGTATRABAHO!- Mensahe ng isang Graduating Student sa kanyang Inang OFW

Nakakataba ng puso kapag nakakita ng mga ganitong eksena kung saan pinapabatid ng isang anak ang galak na kanyang nadarama sa kanyang pagtatapos ng dahil sa sipag at sakripisyo ng kanilang mga magulang.

YOU MAY ALSO READ:

Ginang, Naipit ang Ulo sa Gate ng Kapitbahay dahil sa Kagustuhang Maka Sagap ng Chismis.

Mag-Ingat po! Buong Pamilya Nalason Umano Pagkatapos Kumain ng Itlog na Maalat .

Isang Inang May Sakit, Natagpuan sa Ilalim ng Lababo matapos Iniwan ng mga Anak at Naglipat ng Bahay.

Karaniwang pangalan, course, at student number ang isinusulat sa whiteboard na ginagamit tuwing magpapakuha ng graduation picture.

Pero para sa isang tourism graduate ng Our Lady of Fatima University, dito niya ipinaabot ang mensahe sa kaniyang ina na overseas Filipino worker (OFW) sa Oman.

Umani na ng maraming reactions at shares ang Facebook post ng Tourism student na si Minerva Jane Borca noong Marso 22 dahil sa agaw-pansing mensahe para sa kaniyang ina na si Maria Fe, isang domestic helper.

“Ma uwi ka na sa ‘Pinas, ako naman magtatrabaho,” ani Borca sa mensaheng isinulat sa kaniyang whiteboard.

Sa post, isinalaysay ni Borca ang mga “linyahan” ng ina na nag-umpisang magtrabaho sa Muscat noong bata pa siya.

“Ne (Borca), sobrang nakakapagod dito wala pa’kong kain nagkape lang ako,” wika umano ng kaniyang ina.

May mga mensahe din aniya ang ina ukol sa pagkaulila.

“Mabuti pa ‘yung sahod buwan-buwan umuuwi ng ‘Pinas.”

“Ako na naman magce-celebrate ng Pasko at Bagong Taon mag isa.”

Ito raw ang nag-udyok kay Borca na mag-aral nang mabuti at magtapos ng kolehiyo para makatulong sa pagsustento sa tatlo pang kapatid.

Dagdag niya na sa kaniyang pagtatapos sa kolehiyo, mas pipiliin pa niyang makauwi ang kaniyang ina imbes na makatanggap ng iba pang regalo.

“Mas pinipili kong pauwiin siya [kaysa] makatanggap ng ano mang materyal na bagay,” aniya.

Kuwento ni Borca, sa paghalili niya bilang ilaw ng tahanan dahil malayo ang kaniyang ina, dinanas niya rin ang iba’t ibang sakripisyo. Pero hindi niya raw isinasantabi ang sakripisyo ng kaniyang ina.

“Kung maraming nawala at kulang sa’kin simula noong mag-abroad siya, alam kong mas marami siyang tiniis at sakripisiyo sa malayong lugar para sa ikagagaan ng buhay namin at para mabigyan niya kami ng sapat na edukasyon,” aniya sa kaniyang Facebook post.

Sa nasabing post, nagpasalamat din si Borca sa kaniyang ama sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.

“Hindi man maibigay ni papa ‘yung mga luho na gusto namin minsan, at least nabibigay niya ‘yung lahat na mas pangangailangan namin,” aniya.

Dahil sa kaniyang karanasan, may mensahe siya sa mga nagtatrabaho bilang OFW at sa kanilang mga pamilya.

“Sana dumating ‘yung araw na wala [nang] aalis ng bansa para makipagsapalaran,” ani Borca.

“At sa mga pamilya ng mga nag-OFW sana maintindihan at maunawaan niyo sila kung bakit sila umalis ng Pinas para sa ikagaganda ng buhay niyo.”

Loading...