Lolo, nakiusap na pasakayin ng Jeep dahil Pinalayas at pinagpapalo umano ng Tungkod ng anak nito.

Sa panahon ngayon na pinaghihigpitan ang paglabas ng mga kabataan at matatanda dahil mas prone silang kapitang ng v1rus, kaya tinanggihan ng isang jeepney driver ang matanda na sasakay sa kanya.

Nasaksihan naman ito ng ilang netizens kaya naibahagi nila ang kwento ni lolo sa social media, ayon sa nagpost ay mapilit umano si lolo dahil gusto daw niyang umuwi sa isa niyang anak. “Uuwi ako sa anak ko kasi pinalayas ako nung isa kong anak, pinalo-palo pa ako ng tungkod ko”.

Kinilalang si Chris Asuncion ang nagpost ng patungkol kay lolo at ayon sa kanya,hindi siya perpektong anak dahil minsan ay sumasagot siya ngunit masasabi niyang hindi niya kayang gawin na saktan ang kanyang mga magulang.

Nakasabay ko lang siya sa Sasakyan then ayaw pa sana siya pasakayin ng Driver kasi daw matanda, pero nung tinanong ko po si lolo sabi niya “UUWI AKO SA ANAK KO NA ISA KASI PINALAYAS AKO NG ISANG ANAK KO NA ISA AT PINALO PALO NIYA AKO NG TUNGKOD KO”

Di po ako nagmamalinis kasi di po ako ganoong kabuting anak pero never ko po sinaktan inshort diko po kayang paluin o anuhin ang magulang ko, Lumalaban ako sakanila pero sa salita lang diko naman kayang saktan sila physical ,”

Aminado naman tayong ilan sa mga matatanda ay naging ulyanin at minsan ay pasaway na, pero hindi dapat humantong sa ganito na nasasaktan na sila, hindi napigilan ni Chris na maluha sa sitwasyon ni lolo.

Kaya nung nakita ko yang si lolo napatulo luha ko kasi naisip ko,,may mas masahol papala sa akin …
Always remember guys dont hurt your parents especially in Physical kasi without them your not here,..

Payo ni Chris, mahalin natin ang ating mga magulang at huwag sasaktan kahit ano pa ang problemang pinag daraanan.

“Kaya sana mahalin niyo magulang niyo father’s day na Father’s Day ginaganyan mo tatay mo” aniya

“Marami man tayong problema lalo na sa panahon ngayon, hindi ito sapat na dahilan para manakit ng kapwa higit sa lahat ng magulang.” dagdag pa ni Chris

Kaya sa mga nakabasa ng post ni Chris ay di rin maiwasang mapaluha at maawa sa sinapit nito, nakapagbigay din sila ng komento at ang ilan ay negatibo patungkol sa anak ni lolo.

Ayon pa sa isang nagkomento :”May kasabihan na Kapag minahal at inaruga mo dw ang magulang mo, hindi ka pagdadamutan ng langit ng biyaya at kaluwagan sa buhay..,..

Loading...