Ligaw na Halaman sa Pinas, Ibinebenta sa Halagang 400-1000 sa Ibang Bansa

Naging uso sa panahon ngayon ang pangongolekta ng iba’t ibang uri ng halaman, yung iba ay nakukuha nila sa pag-babarter ng mga gamit bilang tulong na rin sa mga kababayan natin ngayong apektado ng pandemya. Halaman kapalit ng pagkain at ibang gamit.

Yung mga hindi pinapansing halaman ay biglang nabigyang halaga dahil sa pauso ng mga tao ngayon, naging mas maganda pala kapag naayos at nailagay sa magandang pot o paso.

Katulad na lamang ng halamang ito na madalas inaakalang damo at hindi pinapansin sa ating mga bakuran ay may taglay palang healing benefits at ang maganda pa ay napag-alamang ibinebenta sa mahal na presyo sa ibang bansa.

Ang makahiya ay kadalasan lamang na pinaglalaruan ng mga bata dahil sa nakakaaliw nitong taglay na kapag hinahawakan ang kanyang dahon ay kusa itong titiklop kung kaya tinawag itong makahiya dahil tila mahiyain raw umano itong damo.

Naging trending kasi ang post ng isang neteizen na si Than Than Javier matapos niyang ibahagi ang larawan ng isang tanim na makahiya na ibinebenta ng $7.99 o 400 Php dito sa bansa.

Napag-alaman na ang larawan ng halamang na makahiya ay nakunan ni Javier sa isang pet shop sa bansang Canada.

“They are selling sensitive (makahiya) plant in pet shop here and it cost 7.99$ that’s almost 400 pesos… damo lang sa amin yan e.” ayon sa post ni Javier.

Isang netizen naman ang nagkomento sa post ni Javier at sinabing sa bansang Portugal naman ay ibinebenta ang halamang makahiya sa halagang 15 euros o Php 960.

Dahil sa post ni Javier ay pinagkaguluhan ito ng mga netizen at ang iba ay nais na rin magbenta nito dahil sa ganitong halaga umano ay talaga naman kikita sa halamang ito.

“Medicinal plant kasi yan kung hindi niyo alam kaya may halaga.”

“This will happen soon enough pag naubos na sa mining ang kalikasan natin, na kahit maliit na puno worth a price na kasi wala na tayong fresh air na mahihingahan.”

Ang halaman kasing makahiya ay isang herbal medicine na ginagamit sa panggamot sa ibat-ibang karamdaman tulad ng almoranas, ubo, hika, at marami pang iba.

Kaya kapag may mga ganyang damo sa inyong bakuran ay wag namang alisin, kundiy alagaan at ilagay sa tamang espasyo na hindi rin makasagabal sa ibang tao, dahil matinik ito at pwedeng maka sugat din sa inyo.

Loading...