Lalaki, Nagulat sa Higanteng Hugis na Itlog na Natagpuan sa Kanyang Lupain.

Marami tayong mga pinaniniwalaang bagay na hindi pa natin nakikita ngunit ito ay base lamang sa mga kwento ng ating mga lolo at lola. Napaka hiwaga talaga ng mundo dahil sa mga kakaiba at nagagandahang mga hayop at bagay na nilikha dito sa lupa.

YOU MAY READ ALSO:

Nag Ampon Sila ng Bata Mula sa Tsina, Ngunit Nagtaka Sila Nang May Makitang Pamilyar Na Mukha Sa Kapitbahay

Dating Nagsasahod ng 30 Pesos Lang, Ngayon nasa 1.5 Milyon na kada Buwan dahil sa Larong ML

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Katulad na lamang ng magsasaka na si Jose Antonio Nievas na nakatagpo ng kakaibang tila hugis ng higanteng itlog sa kanyang lupain habang siya ay nagtatrabaho dito, nasa isang maliit na komunidad ng Carlos Spegazzini sa Buenos Aires.

Na curious siya kung ano ito kaya niya ito binungkal mula sa kanyang lupa, noong una niyang nakita ay hindi pa ito parang hugis itlog, ngunit dahil sa kakaiba ito na tila nakatago sa batis ng kanyang lupain kaya’t nag desisyon soyang bungkalin.

Tinawagan niya ang kanyang asawa at ilang kakilalang kaibigan upang alamin kung ano ang bagay na kanyang nakita.

Matapos nilang binungkal at nilinisan ay nagulat sila na ang higanteng tila hugis itlog ay mayroong mga itim na scales at may bahid ng berdeng kulay.

Dahil wala silang sapat na kaalaman upang alamin ito, humingi sila ng tulong mula sa mga awtoridad. Pati mga pulis ay nabigla dahil hindi umano ordinaryo ang nadiskubre ni Jose. Kaya humingi sila ulit ng tulong mula sa mga archaeologists.

At batay sa isinagawang pagsusuri, isa ito umanong shell ng isang malaking ancient animal. Hindi rin naigalaw ng grupo ang nasabing shell dahil tinatayang nasa dalawang tonelada ang bigat nito.

Kinumpirma naman ng paleontologists na si Alejandro Kramarz ng Bernardino Rivadavia Natural Sciences Museum na ang fossil na natagpuan ay shell ng isang ancient glyptodon, isang sinaunang hayop na mayroong matigas na shell sa kanyang likuran katulad ng mga armadillo, at tinatayang ito ay nasa 10,000 years old na.

Ayon sa kanilang pag-aaral hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na may naka-diskubre sa ancient mammal na ito. Noon pa ay mayroon na ring mga nakitang katulad nitong fossils tulad nito sa mga kalapit na lugar na iyon at ngayon ay nasa mga museums na upang maitago at maalagaan.

Loading...