Lalaki, Inurong ang kasal sa mismong Araw matapos niyang malaman ang tunay na itsura ng papakasalang babae

Isa sa pinaka mahalagang parti ng buhay ng isang tao ay ang pagpapakasal, ito ang isang kontrata na habang buhay mong tutuparin at gagampanan.

Kaya sa pagdedesisyon na pumasok sa buhay may asawa, dapat itong pag-isipang mabuti, kilalanin ang iyong magiging asawa, ang ugali nito at mga taong nakapaligid din sa kanya, dapat maging tanggap mo siya at ang kanyang mga kahinaan para maging matagumpay ang inyong pamumuhay.

Ngunit naging trending naman kamakailan ang kwentong kakaiba ng magkasintahan kung saan nagulat ang lalaki ng kanyang ma diskubre ang pinaka tatanging lihim ng kanyang pakakasalang babae.

Nasa isang long distance relationship o LDR ang magkasintahang ito, si Yusuf ang pangalan ng lalaki at umabot umano sila ng dalawang taong magkarelasyon at hindi pa sila nagkita kahit isang beses sa personal, dahil sa kagandahan ng teknolohiya sa ngayon, diyan daw sila nag uusap at nagkwe-kwentuhan.

Tanging tawagan sa telepono lamang ang naging daan ng kanilang komunikasyon sa loob ng dalawang taon dahil ayaw umano ng babaeng makipag-video call at marami itong sinasabing dahilan.

Dahil sa matagal na rin silang magkarelasyon at mas lumalalim pa lalo ang kanilang pag-iibigan kahit na magkalayo ay napag-isipan nilang magpakasal.

Ngunit ang kanilang inaasam na masayang kasalan ay nauwi sa hindi magandang pangyayari ng sa araw mismo ng kasal ay una rin nilang pagkikita, biglang umatras si Yusuf dahil sa nalaman nito ang pinaka-lihim ng babae.

Sobrang nagulat si Yusuf dahil ang babaeng kaharap nito sa altar ay magka-iba at malayo sa babaeng nakilala niya sa internet.

Dahil dito ay nahimasmasan at tila nagising sa katotohanan si Yusuf sa ginawang panglilinlang sa kanya ng babae kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na itigil ang kasal.

Sobrang nagalit si Yusuf sa kanyang nalaman na niloloko lamang siya ng babae dahil hindi ito ang itsura ng kanyang iniibig sa internet.

Halos magkasing edad na pala ng lola ni Yusuf ang babae na muntikan ng pakasalan at halos dalawang taong inibig na isa lang palang kasinungalingan.

Nagtiwala si Yusuf at naniwala sa mga pinapadalang litrato ng babae na hindi pala sa kanya, gumagamit siya ng ibang litrato para ipasa kay Yusuf.

Ang masakit pa nito ay naperahan pa siya ng babae dahil pinapadalhan daw niya ito kapag humihingi sa kanya.

Kaya sa panahon ngayon wag agad magtiwala sa mga nakikilala online dahil marami na ang pwedeng magawa ng teknolohiya upang makapanlinlang ng tao.

Loading...