Kwento ng isang Foreigner sa Davao na paulit-ulit naloko, ngunit hindi sumuko sa buhay

Marami ang humanga sa katatagang ipinakita ng isang banyaga na nakatira dito sa bansa. Siya ay taga Wales sa United Kingdom at ilang beses na daw naloko dito sa bansa.

Nakapangasawa ng Pinay ang isang 28 taong gulang na Welshman na kinilalang si Anselm at mas piniling manirahan sa Davao City simula pa noong taong 2016.

Hindi nga daw mahirap mahalin ang bansang Pilipinas dahil sa magandang kultura at tradisyon ng mga Pinoy kaya nanatili siya sa bansa.

Ngunit ang naging kapalit ng kanyang pananatili dito sa bansa ay isang napakasalimoot na pagsubok , maraming tao ang nagsamantala sa kanyang kabaitan at ilang beses daw siyang naloko.

Tulad ng mga magigiting na Ama at haligi ng tahanan, siya ay nagsumikap rin na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, kaya siya ay naghanap ng pwedeng maging isang hanapbuhay, pinasok niya ang negosyong fishpond kahit na wala siyang masyadong kaalam-alam dito at wala ring mga koneksyon sa ganitong uri ng negosyo.

Naka ilang buwan daw siyang nagsanay kung paano ang manghuli ng isda at paano mabebenta, pati pamamangka ay kanya ding pinag-aralan.

Ngunit sa kabila ng mga taong nanloko sa kanya, nalaman niyang mayroon pa din palang mabubuting pinoy na tumulong sa kanya.

Nakihalubilo si Anselm sa mga mamayan ng barangay “Baybay”, inalam ang pamumuhay at kalakaran ng mga tao doon, nag-aral magsalita ng Bisaya, namuhay bilang isang ordinaryong mamayan sa nasabing barangay.

Maraming beses ng nabigo si Anselm sa kanyang negosyo, nariyang niloko sya ng kanyang mga dating trabahador, bumagsak ang presyo ng isda dahil sa paglaganap ng corona virus, nasiraan ng sasakyan na maghahatid ng kanyang mga isda, kulang na stock ng yelo at maraming pang iba.

“Well, there were good people, people who did bad things, people who helped me… and people who took advantage of me.” ani Anselm.

Nitong nakaraang Oktubre, unang nagharvest si Anselm ng kanyang mga alimango. At gaya ng nabanggit, Malaki ang nalugi ni Anselm dito. Patuloy pa rin si Anselm sa kanyang Negosyo dahil naniniwala sya na magiging maayos din ang lahat at para na rin sa komunidad ng Baybay ay gagawin nya ito.

Sumubok naman sa pag-aalaga ng bangus ni Anselm nitong Pebrero, upang patuloy na makapagbigay hanap buhay sa mga tao dito at maging matagumpay sa kanilang munting Negosyo.

Ngunit pagdating ng Marso ay nagdeklara ng quarantine na naging dagdag na naman ito sa kanyang maraming pagsubok.

Sa loob ng tatlo at kalahating buwan, natiis manirahan si Anselm sa sira-sirang kubo kung saan walang kuryete, walang maayos na patubig, at maging ang kaniyang palikuran ay talaga naming karima-rimarim sa paningin.

At pagkaraan ng ilang mga linggo ay nagbunga na nga ang kanyang sipag at pagta-tyaga, naging masagana ang ani ng bangus ni Anselm kaysa sa kanyang inalagaang mga alimango.

Sa kabila ng mga paghihirap at mga pagsubok na dinadanas ni Anselm, kung hindi naging matatag ang kanyang loob, ay marahil sumuko na ang sinuman.

Pero dahil napamahal na sa kanya ang mamuhay sa ating bansa, lubos syang naniniwala sa kakahayan at kagandahang loob ng mga tao sa bayan ng Baybay.

Loading...