Kilalanin ang Napakagandang si Marimonte Shanelle Viduya Revillame, Pangalawang anak na Babae ni Willie.

Naging tanyag ang pangalan ni Willie Revillame dahil sa pagiging mapagbigay nito sa mga mahihirap sa kanyang mga shows, at lalo na sa pagiging mayaman at lapitin ng mga babae.

Dahil sa taglay nitong karisma, maraming mga babae na din ang naka relasyon ni Willie at ilan sa mga ito ay nabigyan niya ng anak, at isa sa kanyang anak na kilala din dahil sumabak sa showbiz industry ay si Merylle Soriano.

Subalit, nabigla ang ilang mga fans ni Willie ng malamang may anak pala itong babae maliban kay Merylle, napakaganda din at naging anak niya ito sa isang non-showbiz niyang ex-girlfriend, siya ang pangalawa niyang anak na babae.

Ang pangalawang anak niya na babae ay kinilalang si Marimonte Shanelle Viduya Revillame, anak niya kay Sharon Viduya. Ang mga larawan ngayon ng mag-amang Willie at Marimonte ay naging agaw pansin sa social media, marami ang nagkomentong napakaganda rin nito ngunit hindi siya sumabak sa showbiz industry katulad ng kanyang ama at ate.

Masisilayan sa Social Media account ng dalaga ang mga larawang magkasama sila ng kanyang Ama at Ate kahit na siya ay wala sa industriya.

Maraming netizen naman ang nabigla dahil ngayon lang daw nila narinig ang patungkol sa anak ni Willie na si Marimonte, tulad ng Ama, maganda ito at may karisma din na hinahangaan naman ng mga fans ng kanyang ama. Minsan na ring nabanggit ni Willie ang pangalan ng kanyang anak, ngunit hindi siguro nabigyang atensyon ng iba niyang fans.

Noong taong 2007 at nasa Wowowee show pa si Willie ay matatandaang ibinunyag niya sa publiko ang patungkol sa kanyang anak na si Marimonte at ng panahaong yaon ay bata pa itong si Marimonte, nasa 3 taon pa lamang.

Kahit pa man medyu busy itong si Willie ay di ito naging hadlang para iparamdam sa kanyang anak ang kanyang presensya, kaya ginagawan nya talaga ng paraan para makasama ito at magbakasyon.

Naging malapit din sa isa’t-isa sina Merylle at Marimonte kahit pa man magkaiba ang kanilang Ina, hindi naman ito maging hadlang at malaking isyu sa panahon ngayon. Kaya makikita mismo sa mga larawan ni Marimonte na masaya silang magkakasama ng kanyang Ama at Ate.

Loading...