Kaning Tutong, Binebenta sa Php90,000 Dahil Sa Kakaibang Bagay Na Ginawa Dito

Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang kaning tutong na kadalasan ay tinatapon na lang ng iilan ay pwede pa palang pagkakitaan.

Hinahangaan ngayon sa social media ang isang kakaibang likhang sining na ginawa ni Manny Montelibano, isang kakaibang konsepto ng sining. Si Manny ay isang Visayan Artist , tinawag niyang “Dukot Survival” ang kanyang obra maestra.

Gawa sa literal na tutong na kanin ang kanyang ubra na kadalasan nga ay hindi na natin pinapansin dahil matigas na ito at hindi na rin makain.

Nakalagak ang kanyang Obra sa Art Fair Philippines 2020, at nagkakahalaga ng mahal ang kanyang art work.

Ito lang naman ay nagkakahalaga na Php90,000. Oo, akalain mo ngang tutong lang pero ganyan ang presyo. Ngunit, alam niyo ba na ito ay kabilang sa 1335 Mabini Art Gallery at talagang nagviral ito ngayon sa social media.

Ayon kay Montelibano ay isinasabuhay ng likhang sining niya ang “Repleksyon ng Pagbabago sa Lipunan”. Ang obra na ito ay hindi basta basta kaning tutong lang dahil nilagyan din niya ito ng maliliit na plastic human figures sa loob nito.

Ito ay unang itinanghal sa sa Cycle 003: Balance Exhibit sa Bacolod noong Nobyembre 2018 hanggang Enero 2019.

Sabi nga ng Mabini Art Gallery hinggil sa kakaibang sining na ito ay “Dukot is presented as an artifact of the upcoming past, the forthcoming old society. As humanity strives toward a more balanced world, civilizations leave behind evidences of how people live”.

“This is a reflection of how people evolve by adapting to the demands of the society. It also reflects the disappearance of a society, the fading values, and the vanishing traditions, which can also result to modern evolutionary synthesis”.

Madaming nagbabash sa obrang ito ngunit hindi natin makikita kung ano ang tunay na kahulugan nito kung nakasara ang ating mga kaisipan. Mrami rin ang napabilib dahil sa kanyang kakaibang imahinasyon kung kaya’t nagawa niya ang ganitong klase ng sining.

Loading...