Isang Opisyal ng European Union, Dumalo sa Online Conference na Walang Pantalon

Sa panahon ng pandemya, mas naging uso na sa ngayon ang pagtatrabaho , pag order, at pagkakaroon ng klase online, ito ay isang hakbang na rin upang maiwasan ang pagkalat ng v1rus sa buong mundo.

Ngunit naging agaw pansin naman ang isang miyembro ng European Parliament matapos dumalo sa video conference nang walang suot na pantalon nitong Martes.

Base sa ulat ng Guardian News, nagbigay ng saloobin si Irish MEP Luke Ming Flanagan hinggil sa usapin ng agrikultura sa naturang kontinente.

Sa halos dalawang minutong pagtatalumpati nito, makikita ang mambabatas na nakaupo sa gilid ng kaniyang kama, nakasuot ng long sleeves subalit walang pang-ibaba.

Mapapansin sa video na habang nagsasalita siya ay hinawak-hawakan niya ang kanyang hita.

I was just back from a run so was in my shorts. Decided to put on a shirt to look kinda respectable! That work out very well!,” giit ng mambabatas sa viral na pangyayari.

Natuwa naman ang maraming netizen sa naturang insidente, imbes na magalit at mainis sa opisyal, ang mahalaga raw ay patuloy ang trabaho sa gitna ng pandemya sa buong mundo.

Loading...