Isang Buntis na Misis, Naghanap ng Ibang Babae upang may Mag-alaga sa kanyang Mister

Mahirap daw ipaliwanag ang salitang “Pagmamahal” dahil ito ay kusang iyong naramdaman ng walang ibang eksplenasyon kung bakit ang isang tao ay iyong nagustuhan. Sa pagmamahal hindi tinitingnan ang estado, kulay at pisikal na kaanyuan ng isang tao. Kung mahal mo ay tanggap mo ang kanyang buong pagkatao.

YOU MAY ALSO READ: 

Probinsyano ni Coco Tatapusin na sa Setyembre; Susan ayaw ‘Makulong’ ng 1 Buwan ,Kaya Hindi na Nagtaping pa.

7-anyos na Bata, Pumanaw Matapos Kumain ng Fried Chicken na Inorder Online

Cebu Town Mayor’s Testimony: CoVID-19 Walang Laban sa “TUOB” o Steam Therapy

Ang pagseselos ay parti na rin ng isang relasyon, ito ay patunay na talagang mahal ka ng iyong kabiyak at ayaw kang mapunta sa iba.

Ngunit tila kakaiba ang naging sitwasyon ng mag-asawang mula sa Shah Alam, Malaysia na si Khuzatul Atiqah ang misis at Samuel Dzul.

Nakakahanga ang ugali ng misis niyang si Khuzatul, dahil sa napaka maintindihin nito at hindi selosa, sa katunayan ay siya pa mismo ang naghanap ng ibang babae upang maging pangalawang asawa ng kanyang mister.

Ayon sa isang artikulo, noong nabuntis si Khuzatul ay napansin niyang laging pagod galing sa trabaho ang kanyang mister na si Samuel Dzul.

Dahil sa pagiging responsableng asawa, ayaw naman ni Samuel na mahirapan ang buntis nitong Misis kung kaya’t kahit pagod galing sa kanyang trabaho ay nakuha pa nitong gawin ang mga gawaing bahay na sana ay ginagawa ng kanyang misis.

Dahil dito ay hindi maiwasan ni Khuzatul ang mag-alala sa kanyang mister. Medyo sensitibo kasi ang kanyang pagbubuntis kaya naman hindi na raw niya magampanan ang pagiging mabuting misis. Kaya naisip niyang maghanap ng pangalawang asawa para sa kanyang mister.

Pareho namang Muslim ang dalawa kaya hindi isyu sa kanilang ang pagkakaroon ng dalawang asawa ni Samuel.

Isa sa mga nais na maging ikalawang asawa ni Khuzatul sa kanyang Mister ay si Nur Fathonah, isang single mom. Ayon sa kanya, magiging responsableng second wife daw si Nur kay Samuel at feeling niya ay maging mabuting asawa silang dalawa kay Samuel.

Ayon kay Nur, nagulat raw siya ng matanggap niya at mabasa ang mensahe ni Khuzatul. Aniya, hindi raw niya naisip na ikakasal ulit siya. Ngunit nung magka-usap silang tatlo ay pumayag narin si Nur.

Ng matapos ang kasal nila Nur at Samuel naging mas maayos daw ang kanilang pagsasama, sa wakas ay mayroon na daw mag-aalaga kay Samuel habang buntis siya, at mayroon pa siyang kaibigan.

Mukhang kakaiba nga ang kanilang kwento para sa ating mga Pilipino, pero legal naman ito sa kanilang bansa. Payag kaya kayo na maging ganito din ang set up nyo kung nanduon kayo sa bansa nila?.

Loading...